Paglaglag ng ilang materyales sa ginagawang gusali sa BGC, sapul sa video

Paglaglag ng ilang materyales sa ginagawang gusali sa BGC, sapul sa video

- Niyanig ng lindol ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon,

- Nakunan ng video ang paglaglag ng ilang construction materials mula sa ginagawang gusali sa Bonifacio Global city

- Naalarma ang karamihan ng mga nakaranas ng lindol dahil sa may kalakasan talaga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Niyanig ng nasa magnitude 6.3 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon kasama na rin ang kalakhang Maynila

Ayon sa ulat ng Inquirer, mula ito sa dalawang kilometro sa hilagang silangan ng Castillejos sa Zambales bandang 5:11 ng hapon, Lunes, Abril 22.

Ramdam na ramdam din ang kalakasan ng pagyanig sa Metro Manila kung saan kitang kita ang pag-uga ng mga naglalakihang gusali.

Isa na rito ang nakunang video na binahagi ng Philippine star kung saan nasapul ang pagbagsak ng ilang materyales sa ginagawang gusali sa Bonifaci Global city.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di lamang isa kundi may ilang mga kagamitan ang sunod-sunod na nahulog mula sa ginagawang gusali sa kasagsagan ng lindol.

Samantala, ayon sa isang komento ng netizen na nasa kalapit lamang ng ginagawang gusali, tubig daw ang nakunan ng video na tila nahuhulog at ito raw ay mula sa tangke ng tubig sa lugar.

Sa naunang balita ng KAMI makikita ang iba pang kaganapan sa iba't ibang bahagi ng kamaynilaan sa kasagsagn ng paglindol.

Mariing pinag-iingat ang ating mga kababayang naapektuhan at nakaramdam ng lindol dahil sa inaasahang aftershocks.

Maging alerto at alisto upang makaiwas sa anumang kapahamakan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel