Matandang nagantso ng kawatan, umani ng tulong at suporta mula sa mga Pinoy

Matandang nagantso ng kawatan, umani ng tulong at suporta mula sa mga Pinoy

-Bayanihan ang maraming Pilipino para sa matandang nagtitinda ng saging na nagantso ng isang kawatan

-Matapos mag-viral sa social media ay dumagsa ang tulong para sa matanda at sa asawa nito

-Hindi lang tulong pinansiyal ang tinanggap ng mga ito kung hindi maging pagmamahal mula sa kapwa at suporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos mag-viral sa social media ang post ng netizen na si An Ge Lie tungkol sa isang matandang lalaki na nagtitinda ng saging, umani si lolo ng tulong at suporta mula sa marami.

Si lolo at ang asawa nito ay naloko ng isang kawatan matapos magbayad ng pekeng pera.

Sa isang artikulo mula sa KAMI, napag-alamang bumili ang kawatan ng saging na halagang P100 at nagbayad ng P1000 na sinuklian naman nila ng P900.

Nagulat na lamang daw ang mga ito nang basta na lamang iwanan ng salarin ang saging at dali-daling umalis.

Doon na nadiskubreng peke ang P1000 ibinayad sa kanila.

Maraming netizens ang hindi natuwa dahil dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit bukod sa simpatya mula sa maraming Pinoy, umani rin ng tulong pinansiyal ang mag-asawa mula sa mga taong estranghero pa sa kanila.

Hindi lamang pera kung hindi pati na rin malasakit at suporta sa mga ito ang natanggap ng dalawang matandang kumakayod ng marangal.

Sa isang larawan na in-upload ng Facebook page na Hanep TV, makikita pa ang matanda na may hawak na ilang paper bills.

Ayon sa post, may mga taong nag-abot ng mga ito para sa kanila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na

Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na

Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel