Dingdong Dantes, gaganap bilang "Big Boss" sa PH adaptation ng DOTS

Dingdong Dantes, gaganap bilang "Big Boss" sa PH adaptation ng DOTS

-Natapos na ang matagal na paghihintay ng mga Koreanovela fans sa pinananabikang Philippine adaptation ng Descendants Of The Sun

-Sa isang Instagram post ni Perry Lansigan, ibinahagi nitong ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang gaganap sa isa sa mga lead role nito

-Ang good news na ito, ibinahagi ni Lansigan matapos pumirmang muli ng kontrata sa GMA Network ng new daddy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Good news para sa mga Koreanovela fans, sa wakas ay ini-anunsiyo na muling mapapanood ang Descendants Of The Sun, Pinoy version.

Matagal na inabangan ito ng mga Pinoy fans matapos ang matagumpay na pag-ere ng Koreanovela sa GMA Network.

At sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Mr. Perry Lansigan na ang Kapuso actor at Prime King na si Dingdong Dantes ang gaganap sa isa sa mga lead role ng DOTS.

Gagampanan ng new daddy ang karakter ni Captain Lucas a.k.a "Big Boss" na orihinal na ginampanan ng Korean actor na si Song Jungki.

Maraming netizens ang natuwa rito at siyempre pa marami sa DongYan fans ang nais na mag-tambal muli ang mag-asawang Dantes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Dongyan reunion project, pls"

"Sana si marian n lng un gumanap na bbae."

"Yes ikaw lang tlaga bgay n gumanap dyan @dongdantes. Congrats Dong!"

"DongYan pls plsbagay kse kay Marian c Song Hye-Kyo."

"C dingdong n rin lng sna hntayin n lng c marian magpalakas at xa n ang bida.come back nilang dlawa.pls po."

Si Dingdong Dantes ay unang nakilala at sumikat sa Kapuso network mula sa pagiging dancer hanggang sa maging Kapuso Primetime King.

Ikinasal si Dong sa tinagurian namang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong December 30, 2014.

Mayroon na silang dalawang anak, si Letizia at ang newborn na si Sixto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ion Perez, ibinahagi ang pangungutya na naranasan niya noon nang mag-guest sa Magandang Buhay

Ion Perez, ibinahagi ang pangungutya na naranasan niya noon nang mag-guest sa Magandang Buhay

Ion Perez, ibinahagi ang pangungutya na naranasan niya noon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel