Inang OFW, umuwi ng Pinas nang wala sa oras sa biglaang pagkamatay ng anak

Inang OFW, umuwi ng Pinas nang wala sa oras sa biglaang pagkamatay ng anak

- Binahagi ng isang Pinay OFW ang pighati nang mawalan ng anak

- Napauwi kasi siya ng wala sa oras sa biglaang pagkamatay ng anak na naaksidente sa motor

- Laking pasalamat ng OFW sa kanyang mga amo na pinauwi siya agad ng Pilipinas at sila na rin ang sumagot sa pagpapalibing ng binatilyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang post ng Pinay OFW na napauwi ng Pilipinas dahil sa biglaang pagkamatay ng anak na naaksidente sa motor.

Binahagi ng OFW Newsbeat ang orihinal ng post ni Mhar Yha Malditah Paredes kung saan labis na nagdadalamhati ang OFW dahil sa pagkamatay ng binatilyong anak nito.

Sa caption ng post, nabanggit ng Pinay na isang buwan pa lamang siya sa Saudi nang bigla namang sumambulat ang balita sa Pinas na naaksidente ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking pasalamat niyang agad siyang napauwi ng kanyang mga amo. Bukod pa rito, sinagot na rin ng amo ang mga gastusin hanggang sa pagpapalibing ng binatilyo.

"Dead on the spot" daw ang kanyang anak kaya naman lalong umigting ang bigat ng loob ng OFW sa pangyayari.

Aminado siyang di ito magiging madali para sa kanya lalo pa at kinakailangan na siyang bumalik din agad sa Saudi.

Bumuhos ang mga pakikiramay at pakikidalamhati ng mga netizens sa inang OFW.

Umabot na sa 4,000 reactions, 1,200 comments at 690 shares ang naturang post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel