Ginang, gumawa ng 1 libro tungkol sa namayapang asawa para sa kanilang mga anak

Ginang, gumawa ng 1 libro tungkol sa namayapang asawa para sa kanilang mga anak

-Isang libro ang 'di inaasahang mabubuo at mailalahatla ng isang ginang tungkol sa kanyang namayapang asawa

-Ito ay upang mas maipaintindi niya sa kanilang mga anak ang maagang pagkawala ng kanilang ama

-Hindi man ito naging madali para sa ginang, sinisikap niyang tuparin ang pangarap at responsibilidad niya bilang ama't ina sa kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Parehong destista at nagsisimula pa lamang bumuo ng pangarap ang mag-asawang Archie at Tin Baraga.

Mayroon silang dalawang anak, isang 4-anyos at 8-buwang gulang na sanggol.

At sa loob ng anim na taong pagsasama bilang mag-asawa, hindi inakala ni Tin na maaga siyang iiwan ng asawa.

Sa isang panayam rito ng Smartparenting, sinabi nitong isang normal na araw lamang para sa pamilya noong bigla na lamang nahirapan huminga si Archie.

February 1, 2019, maagang gumayak ang asawa tulad ng normal na routine papasok sa trabaho. Dahil puyat siya sa pag-aalaga sa kanilang bunsong anak, muli siyang natulog.

Nagising na lamang siya nang sabihin ng kanilang kasambahay na hindi maganda ang lagay ng mister.

“He was perspiring a lot. He said he couldn’t breathe and then he passed out,” anito.

Agad raw niyang isinugod si Archie sa ospital. Nang nasa emergency room na sila ay nagising pa raw ang mister at sinikap na makapagsalita kahit hirap huminga.

Ngunit sa kabila ng kanyang umaasang puso, pumanaw ang asawa noong umaga ring iyon.

“At just 33 years old, with no history of heart ailment, he succumbed to cardiac arrest,” anito sa panayam.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod sa paghihirap ng kalooban niya sa maagang pagkawala ng kabiyak ay ang isipin kung paano ipapaliwanag sa kanilang mga anak na hindi na makakauwi pa ang kanilang ama.

Dahil dito, kinailangan niyang mag-isip at gumawa ng istorya tungkol sa pagkawala ng asawa sa paraang madaling matatanggap ng kanyang mga anak.

Ang istorya tungkol sa kanilang tatay, gabi-gabing ipinaku-kwento ng kanilang panganay na anak hanggang sa makabisado na ito ni Tin.

Nagkaroon siya ng ideya na gawin itong libro. Sa pamamagitan ng Facebook, humingi ng tulong si Tin sa isang page na para sa mga nanay.

Isang ginang ang kumontak sa kanya at ipinakilala kay Gem Vecino, isang illustrator. Dito na nagsimula ang librong binuo lamang ni Tin mula sa alaala ng kanyang yumaong asawa.

Inamin ni Tin na naging emosyonal siya sa unang beses na nakita ang libro.

“You can really tell that it’s Archie, me and my children,” anito. “When the book was delivered to me, I was overwhelmed. I couldn’t believe I had made a book!”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel