Working student at breadwinner, sinikap makapagtapos ng kolehiyo

Working student at breadwinner, sinikap makapagtapos ng kolehiyo

-Dating fastfood crew, OFW at online seller si Jermine, lahat ng ito pinasok niya para sa kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo

-Dahil salat sa buhay, hinarap na lamang ng dalaga ang kanyang tadhana kahit mahirap

-Sa kabila ng lahat, ipinagmamalaki niyang nakapagtapos siya kahit pa nga umabot ito ng siyam na taon bago natupad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na bago ang istorya ng dalagang si Jermine Jacob. Isang estudyante sa Bataan na nangarap makapagsuot ng toga at makapag-uwi ng diploma.

Ngunit ang lahat ng ito, hindi niya madaling nakuha dahil sa hirap ng buhay.

Taong 2010 nang magtapos si Jermine ng high school bilang salutatorian. Dahil parehas na walang trabaho ang kanyang mga magulang, kinailangan niyang huminto sa pag-aaral.

Pero hindi doon natapos ang kanyang hangaring makapagtapos, sinikap niyang makapagtrabaho bilang isang fastfood crew upang kahit paano ay may maitustos siya sa kanyang pang-kolehiyo.

Kahit na walang naniniwala na kaya niyang makapagtapos, nagpatuloy pa rin ang dalaga.

Hanggang sa kinailangan niyang mangibang-bansa bilang isang overseas Filipino worker (OFW).

Sa loob ng dalawang taon niya sa trabaho sa Dubai, hindi ito nakaipon dahil nagkasakit ang isa niyang kapatid na kinalaunan ay pumanaw rin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ganunpaman, patuloy na nag-ipon si Jermine para makapag-aral muli. At matapos ang tatlong taon, lakas-loob siyang umuwi sa bansa at nag-aral muli.

Dahil siya ang breadwinner sa kanilang pamilya, hindi pa rin siya tumigil sa pagta-trabaho at pinasok na rin ang online selling.

Minsan na ring nakasali si Jermine sa isang segment ng Wowowin at marami ang naantig sa kanyang istorya at humanga sa kanyang dedikasyon sa buhay.

Umabot sa siyam na taon ang kanyang pag-aaral dahil pahinto-hinto siya, dahil na rin sa kakapusan at responsibilidad sa pamilya.

Ngunit ang lahat ng kanyang hirap, sakripisyo at tyaga ay may narating na biyaya.

Sa wakas, ang dalagang kayod-kalabaw para sa diploma, totoong naiuwi na ang pinapangarap lang niya noong una.

Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Customs Administration.

Kaya naman payo niya sa mga katulad niyang nangangarap ngunit hinahadlangan ng kahirapan, patuloy lamang na humakbang patungo sa kinabukasan.

Mula sa KAMI, binabati ka namin Jermine!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daddy ni Heart Evangelista, may sweet na ginawa na hinangaan ng mga netizens

Daddy ni Heart Evangelista, may sweet na ginawa na hinangaan ng mga netizens

Daddy ni Heart Evangelista, may sweet na ginawa na hinangaan ng mga netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel