Misyon ni teacher Annie; gurong tinatawid ang dagat para makapagturo

Misyon ni teacher Annie; gurong tinatawid ang dagat para makapagturo

-Hindi alintana ni teacher Annie Fe ang panganib, magampanan lamang ang kanyang responsibilidad bilang isang guro

-Araw-araw itong tumatawid sa dagat kasama ang ilan sa kanyang mga estudyante papunta sa eskwelahan

-Ngunit sa kabila nito, hindi nagrereklamo si teacher Annie Fe dahil ang kanyang puso raw ay punong-puno ng pagmamahal para sa mga bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bata pa lamang daw ay pangarap na ni teacher Annie Fe Managbanag na makapagturo sa mga bata.

At dahil nasa isla, araw-araw itong tumatawid sa dagat papunta sa isa pang isla, magampanan lamang ang kanyang responsibilidad.

Ngunit higit sa lahat ay upang maibahagi niya ang kanyang kaalaman at pagmamahal sa kanyang mga minamahal na estudyante.

Ang kanyang istorya, naitampok sa isang dokumentaryo ng Front Row ng GMA News.

Sa halagang P150.00 kada araw, hindi alintana ni teacher Annie ang panganib sa dagat at maging pagod at gutom.

Araw-araw, bago pumasok ay isa-isa niyang dinadaanan ang ilan sa kanyang mga estudyante para isabay papasok.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sakay ng isang bangka, hinihila o itinutulak ni ma'am Annie ito papunta sa kabilang isla kung nasaan ang kanilang maliit na eskwelahan.

Bukod rito, ipinagluluto rin niya ng baon ang kanyang mga estudyante dahil alam raw niya na kadalasan ay walang baon ang mga ito.

Samantala, ang mga magulang ng mga estudyante ni teacher Annie, malaki ang pasasalamat sa guro sa pagiging matyaga nito para lamang matuto ang kanilang mga anak.

Sa kabila ng mga sakripisyo, masayang-masaya si teacher Annie na nagagabayan at natuturuan niya ang mga bata.

Tinanggap na ng guro na ang kanyang misyon sa buhay ay magsilbing ikalawang magulang para sa mga batang itinuturing na niyang mga anak.

Mula sa KAMI, lubos po kaming humahanga sa isang bayaning katulad ni teacher Annie.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral online

Video ng wedding proposal ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel