13-anyos na ipinanganak na walang kasukasuan, pangarap maging isang pulis

13-anyos na ipinanganak na walang kasukasuan, pangarap maging isang pulis

-Ipinanganak na walang kasukasuan ang batang si Sherwin ngunit nangangarap pa rin itong makapagtrabaho balang-araw

-Ayon sa ina nito, gusto ni Sherwin na maging isang pulis

-Bagamat mayroong kapansanan, patuloy na nag-aaral ang bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi man normal ang pisikal na katawan, pilit pa ring nakikipaglaban sa hamon ng kanyang buhay ang 13-anyos na si Sherwin Balbuena mula sa Bohol.

Si Sherwin, ipinanganak na walang kasukasuan at dahil dito hindi ito nakagagalaw ng katulad ng sa normal na kilos ng isang tao.

Madalas na nakahiga, nakadapa o kaya naman ay sakay ng kanyang wheelchair.

Ang kanyang nakaka-antig na kwento, itinampok sa isang dokumentaryo ng programang Front Row.

Sabi ng nanay ni Sherwin na si Marjorie, normal naman daw ang kanyang pagbubuntis at walang sakit na dumapo sa kanya sa mga panahong dala niya sa tiyan ang anak.

Buwan-buwan rin daw kung siya ay magpa-check up sa kanilang barangay center.

Ngunit nang magpa-ultrasound daw ang ginang sa ospital, doon napag-alamang mayroong kakaiba sa kanyang sanggol.

Tila walang mga paa at kamay. Parang Buddha noong ito ay ipinanganak at ulo lamang ang gumagalaw.

Anito, posible sanang naooperahan ang anak kung sa ospital siya nanganak at hindi sa bahay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inakala rin daw nila na hindi ito makakapagsalita ngunit noong ito ay 3-anyos na ay natuto na ring makapagsalita si Sherwin.

Sabi naman ng ama ni Sherwin na si Robert, noong una raw ay hirap silang tanggapin ang kondisyon ng anak ngunit kinalaunan ay natanggap na rin nila.

Ganunpaman, hindi pa rin nawawala sa mga mata ng mag-asawa ang pait at pangamba para kay Sherwin.

Sabi ni Marjorie, pangarap raw ng anak na maging isang pulis, ngunit tila pinanghinaan na ng loob ang bata dahil sa kanyang kalagayan.

Sa halip, gusto na lamang daw nitong makapag-trabaho ng mdali para makatulong sa pamilya.

Nakakalungkot man isipin na mayroong mga batang hindi pinalad na magkaroon ng siguradong kinabukasan dahil sa mga kondisyong medikal.

Ngunit ang kahanga-hanga rito ay ang hangarin nitong matuto sa kabila ng nakahahapong paggapang para sa kinabukasan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Japanese businessman, hinangaan dahil sa pangungunang maglinis ng Baguio city

Japanese businessman, hinangaan dahil sa pangungunang maglinis ng Baguio city

Japanese businessman, hinangaan dahil sa pangungunang maglinis ng Baguio city
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel