Pinay OFW, maswerteng binigyan ng amo ng pang-negosyo at pampagawa ng bahay

Pinay OFW, maswerteng binigyan ng amo ng pang-negosyo at pampagawa ng bahay

- Maswerteng maituturing ang Pinay OFW na ito na suportado ng amo lalo na sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya

- Tinuring na siyang kapamilya ng kanyang mga employer na labis na mapagbigay sa kanya

- Bukod sa mga kagamitan, binigyan pa ang OFW ng pang-negosyo, pampagawa ng kanilang sira-sira nang bahay at pampagamot dahil may cyst na umano ang kanyang obaryo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taliwas sa kadalasang nababalitaan sa mga Pinay OFW lalong lalo na sa Middle East, Isa na sa masasabing napaka-swerte si Mhai Mansueto San Pedro.

Sa kwentong binahagi ni Mhai sa KAMI, sadyang mapalad siya na mabait at matulungin ang kanyang employer sa Saudi Arabia.

Sa loob lamang ng isang taon at anim na buwan, may mga nai-pundar na si Mhai sa tulong ng kanyang mga amo.

Bagaman at 14 ang amo niya, 4 na bahay ang nililinis at nag-aalaga ng 5 bata, di gaanong ramdam ni Mhai ang hirap dahil tinuring na siya ng mga ito na kapamilya.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Katunayan, binigyan si Mhai ng sapat na halaga upang magsimula ng online business. Bukod pa rito, nang malaman ng mga amo niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng tinitirhang bahay ng pamilya ni Mhai sa Pinas, binigyan din siya ng pampagawa nito na sinisimulan na sa ngayon.

Pati ang pagpapagamot ni Mhai sa cyst sa kanyang obaryo, amo niya ang nagtutustos ng gastusin kahit pa ito'y may kamahalan.

Pinay OFW, maswerteng binigyan ng amo ng pang-negosyo at pampagawa ng bahay

source: supplied
Source: UGC

Kamakailan lamang ay nagpadala ng package si Mhai sa pamilya niya sa Pinas at siyempre, mula pa rin ito sa mababait niyang mga amo.

Sa naunang ulat ng KAMI, naglambing lamang ang amo ni Mhai na ayusan siya ay lagyan ng make-up ngunit binigyan muna siya nito ng mga relo at mga bag. Pinaganda na siya, nadagdagan pa ang bigay sa kanyang kagamitan.

Pinay OFW, maswerteng binigyan ng amo ng pang-negosyo at pampagawa ng bahay

source: supplied
Source: UGC

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patunay lamang na hindi naman lahat ng mga OFW na kababayan natin sa Middle East ay namamaltrato. Sadyang mayroon lamang na minamalas ngunit mayroon din namang mapalad at isa na rito si Mhai.

Pinay OFW, maswerteng binigyan ng amo ng pang-negosyo at pampagawa ng bahay

source: supplied
Source: UGC

Kaya naman sinusuklian din niya ng maayos na trabaho at kabutihan ang mga amo. Isang napakagandang oportunidad kasi nito sa kanya na habang inaayos niya ang buhay ng pamilya sa Pinas, nakakatulong din naman siya pamilya ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel