OFW sa Saudi na nais ayusan ng amo, binigyan muna ng mga mamahaling gamit

OFW sa Saudi na nais ayusan ng amo, binigyan muna ng mga mamahaling gamit

- Binahagi ng OFW sa Saudi na si Mhai Mansueto San Pedro kung gaano siya ka-swerte sa kanyang amo

- Dahil lamang gusto siyang lagyan ng make-up ng kanyang amo, tila naglambing pa ito at binigyan ng mga mamahaling mga gamit

- Sadyang mababait nga raw ang kanyang amo taliwas sa ibang mga nababalita sa Saudi na nagiging malupit sa mga domestic helper

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila kinaiinggitan ng ilan ang Pinay OFW na si Mhai Mansueto San Pedro na sadyang sinuwerte sa among napasukan sa Saudi Arabia.

Kinuwento ni Mhai sa Facebook page na OFW KAMI SA GITNANG SILANGAN - (KAPIT BISIG) kung paano "maglambing" ang kanyang amo.

Nais lang pala siyang malagyan ng make-up ng kanyang amo ngunit bago pa maganap ang make-up session, binigyan muna siya nito ng mga relo at bag.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Matapos pa raw malagyan ng make-up si Mhai ay pinarampa pa ito sa buong bahay. Aminado siyang nahihiya ngunit natutuwa siya sa kabaitang pinakikita ng kanyang amo.

Bagaman at apat na bahay, limang bata at 14 na amo ang kanyang pinagsisilbihan, lahat naman daw sila ay mabubuti kay Mhai.

Nakararamdam man daw siya ng hirap, naisasantabi na niya ito dahil pamilya na rin ang turing sa kanya ng mga amo sa loob ng isang taon at anim na buwan niyang paninilbihan dito.

Samantala, namangha naman ang ilang netizens sa kakaibang kwento ni Mhai na taliwas sa madalas mabalitaan sa mga OFW sa middle East.

Maswerte nga raw si Mhai at maayos ang naging employer niya sa ibang bansa.

Link: https://www.facebook.com/groups/ofwkabisig/permalink/1352688104894623/

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"wow swerti mo s amo mo"
"Swerte mo kabayan may amo kang ganyan..."
"Buti kp noh.. totoo nmn hndi lhat msama ugali ksai tao dn nmn sila.."
"galing ng amo mo kabayan.. napaka bait"
"ang swerte sa amo at ang ganda mo din"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Sosyal! Zsa Zsa Padilla, bakasyon engrande sa mamahalin at mala-paraisong resort

Sosyal! Zsa Zsa Padilla, bakasyon engrande sa mamahalin at mala-paraisong resort

Sosyal! Zsa Zsa Padilla, bakasyon engrande sa mamahalin at mala-paraisong resort
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel