Taho vendor na nakapagtapos ng kolehiyo, taos-pusong nagpasalamat sa kanyang mga suki

Taho vendor na nakapagtapos ng kolehiyo, taos-pusong nagpasalamat sa kanyang mga suki

- Proud ang isang taho vendor na nagawang makaagtapos ng kolehiyo sa kabila ng paglalako

- Nagpasalamat ang vendor sa kanyang mga suki sa pamamgitan ng mensahe sa tarpaulin na nakalagay sa sidecar ng kanyang paninda

- Nagtapos siya sa Philippine Women’s University Career Development And Continuing Education Center sa kursong Information Technology

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan ang taho vendor na si Lemuel Valencia Espiritu dahil sa determinasyong pinakita nito upang makatapos ng kolehiyo.

Sa kanyang viral post, binahagi ni Lemuel ang kanyang mga pinagdaanan para lamang sa kanyang edukasyon.

Nagawa ni Lemuel na mag-aral sa umaga at sa hapon naman, nilalaan niya ito sa pagtitinda ng taho.

PAY ATTENTION: 15 Fascinating Signs That Show You And Your Partner Are Meant For Each Other

Sa kabila ng kanyang matinding pagsusumikap, marami ring mga taong tumulong sa kay Lemuel upang makamit ang pinapangarap niyang makatapos sa pag-aaral.

Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa mga taong ito. Mula sa kanyang mga magulang, kamag-aral, guro at mga kaibigan, halos inisa-isa ni Lemuel ang pasasalamat sa mga taong ito.

At maging ang mga suki niya sa kanyang panindang taho ay nagawa niyang pasalamatan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naglagay siya ng tarpaulin sa harap ng sidecar ng kanyang paninda na may nakalagay na "Maraming maraming salamat po sa walang sawang pagbili ng aking paninda! Dahil po sa inyo nakapagtapos ako ng pag-aaral.”

Bukod dito, pinangako rin niya sa kanyang pamilya na patuloy pa rin siyang magpupursige upang makabawi siya sa mga ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel