9-anyos na batang ipinanganak na walang mga braso, nananatiling positibo

9-anyos na batang ipinanganak na walang mga braso, nananatiling positibo

-Ipinanganak na walang mga braso ang batang si Cielo ngunit nananatiling matatag ito

-Sa kanyang murang edad, alam niyang ang kulang sa kanya ay mapupunuan pa rin ng kanyang abilidad

-Masakit man para sa kanyang ina ang kondisyon nito, positibo pa rin nitong ipinaliwanag na ang kakulangan sa kanyang pisikal na katawan ay 'di hadlang sa kinabukasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Positibo at puno ng pangarap ang batang si Marcielo Sailog o Cielo. Ito ay sa kabila ng kanyang kondisyon.

Ang kanyang istorya, naitampok sa isang dokyumentaryo ng Front Row.

Si Cielo, ipinanganak na walang mga braso.

Ayon sa kanyang ina, hindi niya alam na may kapansanan ang kanyang anak noong ito ay ipinagbubuntis pa lamang niya.

Hindi raw kasi nakapagpa-ultrasound ang ginang kahit isang beses bagamat sinigurado niyang nakakapagpa-check up siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kabutihang-palad, wala ng iba pang sakit si Cielo nang ipasuri ito ng kanyang ina.

Sa kabila ng kondisyon, normal na namumuhay ang 9-anyos na bata tulad ng kanyang mga ka-edad.

Hindi naman nawawala ang mga taong humuhusga sa kanyang lagay ngunit sa tulong ng malawak na paliwanag ng kanyang ina, naiiintindihan ni Cielo na ang buhay ay puno ng hamon.

Pangarap raw nitong maging sundalo upang makatulong sa kapwa. Isang katangi-tanging ugali mula sa isang bata na nakakaranas ng pang-aapi mula sa iba.

Patunay lamang na ang kakulangan hindi nasusukat sa buong pangangatawan, sa halip ay sa pusong mapagpatawad at puno ng pagmamahal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel