Dating adik sa droga, proud na nakapagtapos ng kolehiyo

Dating adik sa droga, proud na nakapagtapos ng kolehiyo

- Binahagi ng isang dating nalulong sa pinagbabawal na gamot ang kwento niya kung paano pa rin siya nakapagtapos

- Aminado siyang sa murang edad ay namulat na siya sa paggamit ng mga iligal na droga

- Mahigit apat na taon na siyang "malinis" o di na gumagamit pa ng anumang pnagbabawal na gamot at nakapagtapos pa siya ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ni Ryan Cabrera Villareal kung san lakas loob niyang inamin na dati na siyang nalulong sa masamang bisyo na paggamit ng pinagbabawal na gamot.

Kwento ni Ryan, di naging madali para sa kanya ang kanyang mga pinagdaanan bago niya makamit ang pagtatapos ng kolehiyo.

Nalaman ng KAMI na 13 lang noon si Ryan nang masubukan na agad nitong gumamit ng iligal na droga.

Mas mga nakatatanda kasi ang nakakasama niya noon kaya naman nabibigyan siya ng mga ito.

Edad 14 nang makilala pa niya ang iba pang pinagbabawal na gamot.

Dahil sa pagkalulong sa mga bisyong ito, di na nga niya naisip na makakapag-kolehiyo pa siya.

Pumasok siya sa mga vocational courses at doon natuto siyang mag-repair ng mga cellphone. Ngunit ang perang kinikita niya roon, napupunta pa rin sa bisyo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hanggang sa inengganyo pa rin siya ng kanyang ina na magpatuloy ng kolehiyo at pinakuha siya ng Electrical Engineering in Cebu Institute of Technology-University (CIT-U).

Inakala ng ina na mainam na paraan ito upang malayo siya sa pinagbabawal na gamot ngunit tila mas lumala pa raw si Ryan.

Madalas, inaakala ng ina na pumapasok pa ang anak ngunit lingid sa kaalaman nilang di pa rin tumitigil si Ryan sa kanyang bisyo.

Araw-araw nang gumagamit si Ryan kaya naman di na halos kayanin ito ng kanyang katawan kaya nagkaroon na siya ng komplikasyon.

Doon nagsimula na siyang magpa-rehab. Sa una, nakaranas pa rin siya ng relapse o muling pagbalik sa dating gawi ngunit agad namang dumating sa punto na kailangan na niyang ihinto ito.

Ngayon, bukod sa pagtatapos ng kolehiyo, proud din siyang sabihin ng mahigit apat na taon na siyang "clean" o ang ibig sabihin ay di na gumagamit ng anumang iligal na droga.

Magsilbi nawang aral ang buhay ni Ryan na nagsasabi na hindi pa huli ang lahat sa taong determinadong magbago para sa kanyang ikabubuti.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on daughter Julia's viral photo

Netizens react to Marjorie Barretto's decision to take legal action on Julia's viral photo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel