Netizen, binatikos ang ilang Pinoy na nagkalat sa simbahan ngayong Semana Santa

Netizen, binatikos ang ilang Pinoy na nagkalat sa simbahan ngayong Semana Santa

-Isang netizen ang hindi na nakapagpigil matapos makita ang sangdamakmak na basura sa simbahan ngayong Semana Santa

-Ang taunang Alay-lakad na sumisimbolo sa ating paniniwala at pananampalataya naging dahilan pa para mag-iwan ng kalat ang marami

-Maraming Pilipino ang hindi nagustuhan ang larawan ng kalat sa harap ng tahanan ng Diyos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng matibay na pananalig at pananampalataya sa relihiyong Katoliko.

Patunay na riyan ang taunang pakikiisa natin sa mga gawain tuwing Semana Santa.

Ngunit sa mga panahong ito, marami rin ang nakakalimot sa disiplina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katulad na lamang ng isang post ng netizen na si Kae Rivera. Sa kanyang post, sinabi nitong:

"Sa mga lumalahok po sa Alay Lakad sa Antipolo. Hindi po isang malaking basurahan ang aming simbahan, kung wala po pag tatapunan itago muna ang iyong kalat at itapon sa tama. sana naman po bigyan nyo po ng respeto ang tahanan ng ating Diyos."

Sa larawang in-upload ni Rivera, makikita ang sangdamakmak na basurang iniwan ng mga debotong nakilahok sa taunang Alay-lakad sa Antipolo.

Maraming netizens ang hindi natuwa rito:

"Ang gagaling magdasal, mas magagaling magkalat."

"Yan ang mga Taong mga lahing Damak. Walang mga education sa paglinis."

"Simba kayo ng simba di naman kayo nag babago, simple lang na discipline wala kayo."

"Ay.... grabe nman ang basura."

"Di na magbabago karamihan ng mga pinoy. Sadly. At alam ng mga banyag na likas satin ito. Sadly."

"Mga walang urbanidad!!!"

Sa isang artikulo ng KAMI, una nang naibalita ang mga basurang iniwan rin ng ilang Katoliko sa mga simbahan sa bansa!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel