OFW na kararating lang ng Pinas, sinalubong agad ng holdaper

OFW na kararating lang ng Pinas, sinalubong agad ng holdaper

- Imbis na pamilya, holdaper ang nakatiyempo sa isang OFW na kararating lamang ng Pinas

- Nakuha ang lahat ng gamit ng Pinay maging ang ticket na binibigay sa taxi bay ng airport kaya di na nito nakuha ang impormasyon ng nasakyang taxi

- Bumalik na lamang ng airport ang OFW upang makapagsumbong sa kinauukulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minalas ang isang OFW na kararating lamang sa Pilipinas nitong Miyerkules, Abril 17 nang ma-holdap agad ito ng driver ng taxi na sinakyan mula sa airport,

Sa ulat ng ABS-CBN, nagkaroon pa naman ng pagbisita si PNP chief Oscar Agbayalde sa NAIA upang masiguro ang ang kaligtasan ng mga pasaherong paalis at parating ng bansa ngunit ilang oras lamang matapos ang pagbisita, naganap ang holdapan.

Sa salaysay ng OFW na nakilalang si Karen Mitschek, mula airport, sumakay siya ng puting taxi sa NAIA terminal 2.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Nang makalayo-layo sa airport ay tinakot na agad si Karen ng driver na babarilin daw umano siya nito kung di nito ibigay ang kanyang mga gamit.

Pinayagan siyang bumaba ng taxi matapos niyang ibigay ang mga gamit sa driver. Patuloy pa rin siyang binantaan ng driver na kung sumigaw at humingi siya ng tulong ay babarilin pa rin siya nito.

Naglakad pabalik sa airport si Karen upang humingi ng tulong at upang ipagbigay alam sa kinauukulan ang nangyari.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasamaang palad, pati ang binibigay na ticket sa taxi bay ng airport y kinuha rin ng driver kaya naman wala na siyang impormasyon na natandaan pa mula sa taxi.

Agad namang nagbigay ng pahayag ang general manager ng MIAA na si Ed Monreal ukol sa pangyayari. Sinabi niyang agad na gagawan ng kaukulang aksyon ang naturang insidente gaya ng pagkaka-ban sa buong fleet ng taxi upang maturuan ang mga ito ng leksyon.

Samantala, wala nang nai-ulat pang ibang naging problema at aberya sa NAIA sa kasagsagan ng Semana Santa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl

Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl

Netizens react to Mariel Padilla's response over Robin's viral photos with another girl
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel