Ina sa Scotland, nakita di umano si Hesus sa nasusunog na Notre-Dame cathedral

Ina sa Scotland, nakita di umano si Hesus sa nasusunog na Notre-Dame cathedral

- Isang ina sa Scotland ang nagsasabing nakita raw niya ang imahe ni Hesus sa larawan ng nasusunog na Notre-Dame cathedral sa Paris

- Sa kasagsagan ng sunog sa Paris, napansin ng ina na ito na tila na roon sa mismong cathedral si Hesukristo na para sa kanila ay nagpapahiwatig na di sila iniiwan ng Diyos sa panahon ng matinding pagsubok lalo na sa simbahan

- Sinang-ayunan din ito ng karamihan at naniniwala sila sa ibig sabihin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kasagsagan ng sunog na naganap sa Notre-Dame cathedral sa Paris nitong Lunes, April 15, isang ina ang nagsasabing nakikita niya ang imahe ni HesuKristo sa mismong katedral.

Sa ulat ng LADBible na sinulat ni Jake Massey, binahagi ng isang ina mula sa Scotland na nakilalang si Lesley Rowan ang makapaninidig balahibo niyang napansin sa larawan ng nasusunog na katedral.

Sa kanyang post, tinanong din ni Lesley kung nakikita rin ba ng iba ang imahe ni Hesus sa larawang kanyang binahagi.

Marami ang sumag-ayon sa kanya at nagsasabing nakikita rin nila ang imahe na nakasuot pa ng damit na karaniwan nating nakikita sa mga larawang sumisimbolo kay Hesus.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Ayon pa sa 38 anyos na ginang, sana raw ay nagbigay ng pag-asa at kapanatagan ng loob ang imaheng ito kung saan nagpapahiwatig din na di tayo iniiwan ng Panginoon sa matitinding pagsubok sa ating buhay.

Samantala, mula nang sumiklab ang apoy sa 850 taon na katedral, dumadagsa naman ang mga tulong upang maitayo itong muli at maibalik ang dati nitong hitsura matapos ang matinding trahedya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, nakakamamanghang binalita na ang mga mahahalagang artifacts at artworks sa naturang katedral ay naisalba pa at di natupok ng apoy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Psy confirms the release of his comeback album on July

Psy confirms the release of his comeback album on July

Psy announces the release of his 9th album on July
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel