28-anyos na babae, tinadtad ng saksak dahil sa selos

28-anyos na babae, tinadtad ng saksak dahil sa selos

-Patay ang isang babae sa Davao del Sur matapos itong tadtarin ng saksak ng dati nitong kinakasama

-Ang naging sanhi ng krimen, matinding selos dahil nalaman raw ng suspek na may iba ng lalaki ang biktima

-Inulila ng ginang ang tatlong anak nila ng suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naulila ng 28-anyos na si Roann Jelyn Saplagio ang kanyang tatlong anak matapos itong patayin ng dating kinakasamang si Ramil Eblacas.

Pinatay sa saksak ni Eblacas si Saplagio dahil sa matinding selos.

Sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa GMA News TV, sinabi ng naarestong suspek na nawala siya sa sarili dahil sa galit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inamin raw kasi ng biktima na mayroon na itong ibang lalaki na ka-trabaho umano nito. Kinumpirma pa umano ito ng kasamahan sa trabaho ni Saplagio.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng nanay ng biktima na si Anne Saplagio.

Anito, nakikipagbalikan raw ang suspek sa kanyang anak ngunit tumanggi na ito dahil nananakit umano ang lalaki.

Naawa lang raw ang biktima na sampahan ng kaso ang dating kinakasama.

Ang ginang , hindi pa rin matanggap ang maagang pagkamatay ng anak. Para raw siyang namatay nang makita ang katawan ng anak na tadtad ng saksak.

Nasa pangangalaga na ni aling Anne ang tatlong anak ng biktima at suspek.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel