OFW na nagnakaw di umano ng $500, di raw pinakakain ng amo kaya nagawa ito

OFW na nagnakaw di umano ng $500, di raw pinakakain ng amo kaya nagawa ito

- Nasentensyahan ng 12 araw na pagkakakulong ang isang Pinay OFW matapos magnakaw di umano nito ng $500 mula sa kanyang amo

- Depensa ng domestic helper, di raw umano siya pinakakain ng amo kaya nagawa niyang magnakaw ng pera rito

- Makukulong pa rin ng 12 araw ang 34 anyos na OFW kahit na naibalik naman na niya ang naturang halaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napilitang magnakaw ng $500 ang isang OFW sa Hong Kong dahil di raw umano siya pinakakain ng kanyang amo.

Ayon sa ulat ng The Sun Hong Kong na sinulat ni Vir B. Lumicao, nasentensyahan ng 12 na pagkakakulong ang Pinay domestic helper ng West Kowloon magistrate na si Edward Wong.

21 na araw sana kung di naging "guilty" ang OFW. Naibalik din ng 34 anyos na Pinay ang naturang halaga ng pera.

Naaresto ang Pinay noong Marso matapos itong ireklamo ng kanyang amo ng pagnanakaw ng nawawalang $500 na nakatago lamang sa kanilang kwarto.

PAY ATTENTION: The Most Amazing Models From The '80s And How They Look Now

Nang tanungin ng amo ang OFW, agad naman nitong inamin na siya ang kumuha.

Sa salasay ng abogadong binigay sa Pinay, nagawa lamang daw nito ang pagnanakaw dala ng matinding gutom.

Di raw kasi umano ito pinakakain ng amo at wala ring binibigay na food allowance.

Bukod pa rito, may walong taong gulang na anak ang OFW an pinadadalhan niya ng pera pang-matrikula buwan buwan at pinadadalhan din niya ng pera ang kanyang ina na siyang nag-aalaga sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagbabayad pa rin umano ng nasa ₱11,000 ang Pinay sa agency para sa placement fee niya patungong Hong Kong.

Nabanggit din ng Pinay na pito ang pinagsisilbihan niya sa bahay at isang sanggol.

Dahil dito, binabalak ng Consulate officers na sampahan ng kaso ang amo ng Pinay dahil sa gutom na inabot nito sa kanila.

2012 nang magtrabaho bilang domestic helper ang sa Hong Kong at nagkaroon siya ng dalawang magkaibang employer. Wala namang naging record ng pagnanakaw ang OFW mula sa mga dating amo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel