Dahil sa panahon! Lalaking nag-aayos ng bubong, inatake sa puso

Dahil sa panahon! Lalaking nag-aayos ng bubong, inatake sa puso

-Humingi pa daw ng tubig ang 55-anyos na lalaki bago ito tuluyang nawalan ng malay

-Nang dalhin sa ospital, idineklarang dead on arrival na ito dahil sa atake sa puso

-May babala naman muli ang mga health authorities kaugnay sa napakainit na panahon sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gumagawa lamang ng alulod sa bahay ang 55-anyos na si Benedicto Apostol Jr. nang atakihin ito sa puso bandang 10:00 ng umaga.

Kasama noon ni Apostol ang kaibigang si Jerry Macam. Humingi pa raw ng isang basong tubig ang kaibigan.

Sa panayam sa kanya ng GMA News, sinabi ni Macam na bigla na lang umanong 'di na kumilos pa si Apostol. Maya-maya ay tumumba na lamang habang hawak ang dibdib.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ulat ni Katrina Son sa Balita Pilipinas Ngayon, isinugod pa raw si Apostol sa ospital.

Ngunit idineklarang dead on arrival na ang lalaki.

Doon na nalamang namatay ito dahil sa atake sa puso ayon sa kaanak nito na si Rolando Ambanloc. Ang anak naman nito, hindi pa matanggap ang biglaang pagkawala ng ama.

Nagbabala muli ang mga helath authorities dahil sa nararanasang matinding init ngayon sa bansa.

Iwasan ang matagal na pagkabilad sa araw. Ang pinaka-mainit na oras ay mula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Palagi ring uminom ng tubig para makaiwas sa dehydration.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel