5 Cutest at inspiring celebrity babies na kinahiligan ang mag-praise at mag-pray

5 Cutest at inspiring celebrity babies na kinahiligan ang mag-praise at mag-pray

Nakakagaan sa damdamin ang makita ang ilan sa ating mga sikat na Pinoy celebrities na ginagawa ang lahat para maging mabuting ehemplo sa mga tao lalong lalo na sa mga kabataan.

At lalong nakaka-inspire na makita o maispatan ang kanilang pagsisikap na maibahagi ito sa kanilang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngayong, Semana Santa o Holy Week ay ibinabahagi ng KAMI ang 5 (lima) sa mga cutest at inspiring celebrity babies ng mga sikat na kinahiligan ang mag-praise at mag-pray.

1. Israel Pacquiao

Isa sa mga kilalang celebrity babies na ito ay ang bunsong anak ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

Sobrang ang gaan at napaka-inspiring naman talaga kung paano nagsisikap ang mag-asawa na ibahagi sa kanilang mga anak ang pagdarasal.

2. Isabella Padilla

Ani pa ni Mariel Padilla, "daddy's girl talaga" ang kanilang unica hija ni Robin Padilla.

Dahil nakikita umano ni Isabella ang kanyang daddy Robin na palaging nagdadasal kaya ginagaya na rin niya ito.

3. Team Kramer - Kendra, Scarlett, at Gavin

Tila tini-train din ng ilaw at haligi ng tahanan ng Team Kramer na si Chesca Garcia at Doug Kramer ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin na basahin at intindihin ang ilang mga bible verses parte ng kanilang pagdarasal.

Sa naturang video na ibinahagi ni Chesca ay ipinapaliwanag nina Kendra at Scarlett ang isang berso sa bibliya.

4. Scarlet Snow Belo

Ibinabahagi naman ng proud mom at dad na sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho ang ilang videos sa socmed kung paano nagli-lead ng prayer ang kanilang celebrity baby na si Scarlet Snow Belo.

Nagsusumikap sina Vicki at Hayden na turuan na magkaroon ng grateful heart ang kanilang anak dahil isa raw ito sa paraan na maging masaya sa lahat ng oras.

5. Severiano Elliott Gonzaga Soriano

Hindi rin nagpapahuli ang magkapatid na Gonzaga sissums na sina Toni at Alex Gonzaga sa pagtuturo ng magandang asal at mabuting gawi sa kanilang one and only celebrity baby superstar na si Seve.

Bukod pa sa pagbibigay kasiyahan sa kanilang mga fans at subscribers sa YouTube ay nagsusumikap din ang mag-sissum lalong lalo na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano at buong Gonzaga at Soriano family na ibahagi kay Seve ang pagpapahalaga ng pagpi-praise at pagpi-pray.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel