Maymay Entrata at Edward Barber, nangunguna sa top 5 sa pinaka-tinitweet na love team

Maymay Entrata at Edward Barber, nangunguna sa top 5 sa pinaka-tinitweet na love team

Isa sa pinalabas na listahan ng Twitter ay ang top 5 most talked about love teams sa bansa at spotted ng KAMI na ang nasabing listahan ay pinangungunahan ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber o mas kilala bilang ang MayWard.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nangunguna nga sa top 5 na pinaka pinag-usapan o pinaka-tinitweet na tambalan sa showbiz ay ang mga graduates ng Pinoy Big Brother na sina Maymay at Edward mula January 1 hanggang March 31, 2019.

Kaugnay nito, ibibiga namin ang listahan kung sinu-sino ang bumubuo sa top 5 most talked about love teams na ito.

1. MayWard

Nagsaya ang mga MayWard fans dahil nangnguna ang kanilang pambato sa pinaka-tinitweet na love team sa listahan.

Unang nabuo ang kanilang samahan sa loob ng sikat na Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

2. DonKiss

Pumapangalawa sa listahan ay ang tambalan nina Donny Pangilinan at dating PBB housemate Kisses Delavin na mas kilala bilang ang DonKiss.

3. AlDub

Mukhang hindi pa rin natitinag ang tambalang unang minahal sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, ang AlDub, na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Nasa top 3 ang love team na pinag-usapan ng husto mula January hanggang March ng taon na ito.

4. LizQuen

Ang reel to real showbiz couple na LizQuen na binubuo nina Liza Soberano at Enrique Gil ay ang top 4 most talked about love team sa bansa.

5. KathNiel

At lalong hindi nagpapahuli ang kinikilalang Teen King and Queen, ang reel to real life couple din, na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o mas kilala sa tambalang KathNiel.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel