Lalaking nagtapos ng kolehiyo, mas nalungkot sa kabila ng natamasang tagumpay

Lalaking nagtapos ng kolehiyo, mas nalungkot sa kabila ng natamasang tagumpay

- Viral ngayon ang post ng isang consistent honor student na nagtapos ng kolehiyo

- Binahagi niya ang kanyang kalungkutang nadarama mula pa noong siya ay nasa elementarya dahil ni minsan, walang magulang o kaanak na sumama sa kanya sa pag akyat niya ng entablado

- Nagpasalamat naman siya sa mga taong nakilala niya sa pagsusumikap niya upang maitawid ang kanyang pagtatapos ng kolehiyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas namutawi ang lungkot sa nagtapos na si Jeric Rivas ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa La Concepcion College San Jose Del Monte Bulacan.

Sa kanya na ngayong viral post, binahagi niya ang pinagdaanan niya bilang estudyante dahilan para siya ay malungkot imbis na maging masaya sa araw ng kanyang pagtatapos ng kolehiyo.

Kinuwento ni Jeric na consistent honor student siya mula pa noong elementarya. Nagtapos siya ng grade 6 bilang 6th honor ngunit dahil walang magsasabit sa kanya ng medalya, di na siya umakyat pa ng entablado para kunin ito.

Nang siya naman ay high school, best in TLE si Jeric ngunit wala paring sumama sa kanya maging sa kanyang graduation day.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Labis ang hinanakit noon ni Jeric. Dumagdag pa dito ang kawalan ng kasiguraduhan ng kanyang pagkokolehiyo.

Dito mas tumindi ang mga pagsubok kay Jeric. Para lamang maitawid ang kanyang pinasok niya ang ba't ibang trabaho.

Pumasok siya sa pabrika sa Quezon city, naging student assistant siya sa paaralan, janitor, crew sa fast food.

Maging ang pagiging kasambahay ay di niya kinahiyang pasukin para maigapang ang pag-aaral.

Kaya naman sa kanyang pagtatapos ngayong taon, laking pasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya.

Bagaman at di niya naramdaman ang suporta ng magulang at ilang kaanak, malaki pa rin ang pasasalamat niya sa tinatamasang tagumpay.

Samantala, hinangaan naman si Jeric ng mga netizens dahil sa pinakita nitong katatagan sa mga hamon ng buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hindi ako mahilig magbasa lalo na yung mga ganito kahaba. Puro scroll up and down lang ako. Pero nung nakita ko to bigla ko na lang naisipang basahin at di ko mapigilang maiyak sa kwento na to.. Maging inspirasyon sana ng mga kabataan to."
"Congratulations po di man kita kilala, pero proud ako sa tatag ng luob mo sana gabayan ka ni God para sa susunod na kabanata ng buhay mo kapit Lang po at stay humble kahit ano man mangyare sa paglalakbay mo.."
"Congrats kuya nsinspired ako sa kwento na pinagdaan mo naluha luha ako habang binabasa ko ang mensahi mo. God blessed dahil hindi ka sumuko."
"Nalampasan mo na ang ibang hamon sa buhay mo, congrats sayo. Pero alam mo ba na simula pa lang ng hamon yan? Kaya dapat magiging matatag ka sa mga darating na pagsubok sa buhay mo."
"Congratulations rivas! Worth it lahat ng puyat at pagod mo!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filters'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel