Gurong pinilit tapusin ang sandamakmak na year-end report, na-ospital

Gurong pinilit tapusin ang sandamakmak na year-end report, na-ospital

- Viral ang post ng isang guro na na-ospital sa tindi ng trabaho

- Pakapalan daw umano ng year-end report ginagawa ng guro bago tuluyang bumigay ang katawan nito

- Ayon sa doktor na tumingin sa guro, stress sa tindi ng trabaho ang dahilan ng pagtaas umano ng blood pressure nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang guro ang karanasan na naidulot sa kanya ng pagtatrabaho sa pampublikong paaralan.

Nakilala ang guro na si Gladys Arenas Yabut-Lipata na nakaramdam umano ng matinding hilo habang pinapaspas ang year-end self evaluation report niya para sa panuruang taon 2018-2019.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad niyang nakapitan ang kapwa guro at nagpadala na siya sa pinakamalapit na ospital dahil sa lumulutang na raw ang kanyang pakiramdam.

Kwento pa ni teacher Gladys, di raw ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya. Nang nasa private school pa siya, isa-isa niyang winawasto noon ang papel ng apat na section na hawak niya nang makaramdam din siya ng ganitong klaseng pagkahilo.

PAY ATTENTION: 15 Fascinating Signs That Show You And Your Partner Are Meant For Each Other

Ayon sa doktor na tumingin sa guro, stress at pagod ang dahilan ng pagtaas ng dugo nito.

Dahil dito, nagbigay ng paalala si teacher Gladys sa mga kapwa niya guro na "magpahinga" kung kinakailangan. Huwag abusuhin ang sarili dahil mas mahal pa raw magpa-ospital kaysa sa "bonus" na matatanggap ng guro dahil lamang sa paggawa ng makakapal na report na magiging mitsa pa ng kanilang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel