Lalaking inatake ng inaalagaang baboy, di na umabot nang buhay sa ospital

Lalaking inatake ng inaalagaang baboy, di na umabot nang buhay sa ospital

- Di na umabot na buhay ang isang caretaker nang atakihin ito ng inaalagaang baboy

- Kumukuha lamang umano ng tubig ang 58 anyos na lalaki nang bigla na lamang itong atakihin ng baboy

- Nakita na lamang nilang nakaupo ang lalaki na duguan at wala na palang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dead on arrival na ang lalaking nakilalang si Tanny Baladjay ng barangay Progreso Weste sa Odiongan, Romblon nang bigla itong atakihin ng inaalagaan baboy.

Ayon sa ulat ng GMA news na sinulat ni Paul Jaysent Fos, nakita pa umano ng kanyang pamangkin na si Jondel Baladjay ang 58 anyos na tiyuhin na kumukuha lamang ng tubig.

Di nagtagal, inatake na raw ito ng lalaking baboy na tinatawag nilang 'Turo'.

PAY ATTENTION: Decades Later, How Some Of Our Favorite Celebrities From The 90’s Have Transformed Over The Years

Tinangka pa umanong tumakas at tumakbo ng lalaki ngunit bumagsak ito dahilan para malapa ng baboy ang kanyang likuran at binti.

"Narinig ko sila na tinatawag nila ang pangalan ko, sabi 'Si Tatay!' Tumayo ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko si Tatay na nakaupo sa may puno ng niyog tapos pagtayo niya madami ng dugo na lumalabas sa paa niya," kwento ni Jondel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad namang dinala si Tanny sa Isiah Medical Center ngunit agad itong dineklarang dead on arrival ng tumingin na doktor.

Pinatay na rin agad ang baboy na umatake kay Tanny at nilibing.

Nagtataka pa rin ang mga kaanak ng biktima kung bakit ito nagawa ng baboy gayung napakain naman nila ito bago maganap ang insidente.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kabit, inireklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak

Kabit, reklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak

Kabit, reklamo ang nakarelasyong konsehal na tinatago umano ang kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel