Bride, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kasal nila at libing naman ng kanyang groom

Bride, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa kasal nila at libing naman ng kanyang groom

- Marami ang nadurog ang puso sa kwento ng isang babae na pinakasalan ang nobyo kahit na ito'y namayapa na

- Huling araw na pala ng lalaki nang tanungin nito ang nobya ng "Will you marry me?" kaya labis ang hinagpis ng babae

- Tinuloy pa rin ng babae ang kasal at kasabay na nito ang libing ng kanyang nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang naging mapait ang tadhana para kay Elijah Vertucio na taga- Odiongan, Romblon na namatayan ng "groom" dahil sa bangungot.

Sa ulat ng GMA news, makikita si Elijah na naka-wedding gown sa libing ng nobyong si Elvis.

Bago kasi ihatid sa huling hantungan ang noo'y nobyo pa lamang niya ay tinuloy pa rin niya ang pagpapakasal dito.

Sampung taon nang nagsasama sina Elijah at Elvis at nabiyayaan na rin sila ng dalawang mga anak.

PAY ATTENTION: 15 Fascinating Signs That Show You And Your Partner Are Meant For Each Other

Nalaman din ng KAMI na mabait at responsable si Elvis pagdating sa kanyang pamilya.

Emosyonal na kinuwento ni Elijah ang huling pag-uusap nila ni Elvis bago ito di na muling nagising.

Nasambit daw nito ang katagang "Will you marry me?" na inakala ni Elijah na pagbibiro lamang ng nobyo.

Hindi niya alam, iyon na pala ang huling mga katagang iiwanan ng kanyang minamahal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman kahit masakit, tinuloy pa rin niya ang pagpapakasal kay Elvis sa araw din ng libing nito.

Nagpasalamat din si Elijah kay Elvis dahil sa pagmamahal nitong ramdam na ramdam ng kanilang pamilya.

Binigyang linaw naman ng pastor na nagdaos ng kasal na bagaman at di ito opisyal, pinayagan na lamang niyang ang hiling ni Elijah bilang tanda ng pagmamahalan nila ni Elvis.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby

Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby

Japoy Lizardo and Janice Lagman are having another baby
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel