5 Pinay celebs na umamin na sumailalim sa cosmetic enhancement procedure

5 Pinay celebs na umamin na sumailalim sa cosmetic enhancement procedure

Napag-alaman ng KAMI ang 5 sa mga kilalang Pinay celebrities na ito na diretsahang umamin na sumailalim sila sa isang cosmetic enhancement procedure.

Spotted namin ang kanilang pag-amin sa iba’t ibang news source at TV interviews.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

1. Jinkee Pacquiao

Sa balita naman ng ABS-CBN News noong May 16, 2011, inamin naman umano ni Jinkee Pacquiao sa Kapamilya show na ‘Salamat Dok’ na walang pakialam daw siya sa kanyang histura noon.

Ani pa umano ni Jinkee:

"Di ako masyadong nag-aayos sa sarili ko o nagme-make up. Lagi na lang nakakulong, iniisip lang 'yung problema.”

Pero nang makilala na dahil sa kanyang mister na popular world boxing champion na si Manny Pacquiao ay sumailalim daw siya ng ilang mga cosmetic enhancement procedures na ginawa ng celebrity doctor na si Dr. Vicki Belo.

Bahagi pa niya na mahalaga daw sa kanya ang kanyang hitsura dahil nakikita siya ng lahat ng tao.

"Mahalaga (sa akin ang itsura). Kasi nakikita ka ng lahat ng tao.”

2. Lani Misalucha

Inamin naman ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang kanyang mga cosmetic enhancement procedures na dinaanan para makuha ang ganda na gusto niya ngayon.

Ayon pa sa balita ng gmanetwork.com, kung saan una naming naispatan ang listahang ito, sa isang newspaper interview daw noong November 2014 ay inamin umano ni Lani na nagpagawa siya sa kanyang ilong, eyebags, at ngipin.

3. Angeline Quinto

Diretsahan din na inamin ni Angeline Quinto sa isang interview na sumailalim din siya sa cosmetic enhancement procedure.

4. Miho Nishida

Inamin naman ni Pinoy Big Brother Big Winner Miho Nishida kay Boy Abunda sa TWBA ang pagsailalim niya ng cosmetic enhancement surgery.

5. Chie Filomeno

Ang pinakahuling umamin ay si It’s Showtime Girltrend na si Chie Filomeno.

Sa segment na ‘Legit o Lie’ sa Tonight With Boy Abunda kung saan kailangang sagutin ni Chie ang mga katanungan ng mga netizens.

At sa tanong tungkol sa plastic surgery ay sinagot naman ito ng dalaga ng ‘legit.’

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ulirang ama at 4 na anak, iniwan at pinagpalit ng asawang OFW sa ibang lalaki

Ulirang ama at 4 na anak, iniwan at pinagpalit ng asawang OFW sa ibang lalaki

Ulirang ama at 4 na anak, iniwan at pinagpalit ng asawang OFW sa ibang lalaki
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel