Lalaking nangaral sa loob ng kanyang kotse sa mga batang namamalimos, pinuri ng mga netizens

Lalaking nangaral sa loob ng kanyang kotse sa mga batang namamalimos, pinuri ng mga netizens

- Umani ng papuri ang kakaibang ginawa ng isang lalaki sa loob ng kanyang kotse kasama ang mga batang namamalimos

- Bago bigyan ng limos at pinangaralan muna ng lalaki ang mga bata dahil sa basta na lamang ang mga ito na sumakay ng kotse

- Umabot na sa 16,000 reactions, 7,400 na komento at 6, 900 ang orihinal na post

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng isang lalaki na may kakaibang ginawa sa mga batang namamalimos.

Sa post ng netizen na si Charlie Nuñez Almencion, makikita ang dalawang batang lalaki na pasilip silip sa kotse ni Charlie.

Imbis na paalisin, binuksan ni Charlie ang pinto at pinapasok ang dalawang bata na nanghihingi pala ng barya.

Bago ito bigyan ni Charlie, pinangaralan muna niya ito. Paano nga naman kasi kung nagkataong masamang tao pala siya at nangunguha ng bata. Sa ginawa kasi ng dalawang batang lalaki, madali nga silang maloloko ng mga nangunguha ng bata na talamak na ngayon.

PAY ATTENTION: 90s Rage: Celebrities Whose ‘90s Look You've Never Seen Before

Makikita sa video na biglang natakot ang batang nakasuot ng asul na damit ngunit doon nagpakilala si Charlie na siya si "kuya Cha."

Pinaliwanag niya sa dalawang bata na huwag na huwag agad sasama sa di nila kakilala lalo na iyong mga nasa loob ng kotse.

Nagbigay din siya ng halimbawa na paano na lamang kung maraming perang pinakita ang tao na nais silang isama, di parin dapat sila sumama.

Nakakatuwang bago bumaba ng sasakyan ang batang naka-asul ng damit na sa una'y natakot ay inulit pa ang natutunan sa pangaral ni Charlie.

Bago rin bumaba ng kanyang sasakyan, binigyan pa rin naman ng lalaki ang mga bata ng barya.

Dahil dito, maraming netizen ang humanga sa ginawa na ito ni Charlie na dapat lamang daw pamarisan ng marami.

Lubhang delikado nga naman ang nangyari sa mga bata dahil madali ang mga itong ma-uto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"Super bait n kuya sa mga bata"
"Sana mabawasan na ung mga magulang na pabaya at ginagamit ang anak para kumita ng konting barya.kayo ang me responsibilidad na mag trabaho at mag pa kain sa mga anak nyo."
"Idol buti nlng mbait ka saludo aw sa gnwa ay pagppayo"
"Ang bait nman, pinaupo PA sa kotse ang Bata at pinangaralan,"
"God bless sayo brad bihira ako naka kita ng ganyan eh yong iba nga kahit hawakan mo lang yong sasakyan nila galit na galit eh bless ka taga ni lord samantala sayo pina papasok mo yong mga bata napakabuti ng kaluoban mo"

Sa ngayon, umabot na sa 16,000 reactions, 7,400 na komento at 6, 900 ang orihinal na post.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa

5 Pinoy celebrity kids na nag-aral at nakapagtapos sa ibang bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel