4 Pinay celebs na nagkaroon ng pinakamatagal at pinakamahirap na panganganak

4 Pinay celebs na nagkaroon ng pinakamatagal at pinakamahirap na panganganak

Napag-alaman ng KAMI na ang apat sa mga pinakasikat na mga Pinay celebs sa entertainment industry na ito ay nagkaroon pala ng pinakamatagal at pinakamahirap na paglalabor at pagpapanganak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang mga dakilang mga celebrity moms na kinaya at nagtagumpay sa pagpapanganak sa pamamagitan ng natural birth.

Heto ang 4 sa sikat at kilalang mga Pinay celebrities na mommies na nagkaroon ng pinakamatagal at pinakamahirap na panganganak, ayon na rin sa pagbahagi ng kani-kanilang mga loving at doting husbands:

1. Toni Gonzaga

Sa isang Instagram post ng mister na si Direk Paul Soriano ay ibinahagi ang hirap na pinagdaanan ng kanyang maybahay na si Toni Gonzaga sa pagpapanganak sa kanilang first child, ang kanilang unico hijo na si Seve.

Ani pa Direk Paul sa TV Patrol ng ABS-CBN News:

"Toni wanted a normal delivery and she fought for it. She fought for it. I mean 38 hours of labor and about almost three hours of pushing."

2. Isabel Oli

Proud naman na ibinahagi ni John Prats ang successful delivery ng misi na si Isabel Oli sa kanilang 2nd baby na si Freedom.

Nagbigay pugay din si John sa lahat ng mga ina at may paalaala sa mga lalaki.

Saad pa ni John sa kanyang caption:

"So much respect to all the Moms in the world!"
"Grabe ang paghihirap mo wifey, pero sulit ang lahat. Hindi madaling manganak, kaya pag nakita nyo ang hirap ng mga asawa nyo habang nanganganak, sobra ang pagmahal at respeto na ibibigay nyo sa kanila."

3. Andi Manzano

Ayon naman din sa mister ni Andi Manzano na si GP Reyes, hindi raw madali ang pagpapanganak ng kanyang asawa sa kanilang second baby na si Amelia, ang baby sister ni Olivia.

Paglahad pa niya sa kanyang IG post:

"It wasn’t the easiest. Or the quickest. My incredible, amazing wife pushed hard for hours. She is my hero. And finally after a pretty tough, grueling, exhausting time in labor from inducing at 3pm to dilating to delivery....at about 1:09 am on 1/19/19."

Kaya naman tinawag ni Andi si Amelia na kanilang "miracle baby."

4. Marian Rivera

At ang pinakahuling pinag-usapan ng husto ang panganganak ay walang iba kung hindi si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Masayang ibinahagi ito ng mister ni Marian na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang Instagram page.

Sabi pa ng proud dad:

"Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today. Thank you very much for praying with us. Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!"

18-hour labor naman umano ang pinagdaanan ni Marian Rivera sa kanilang first child, ang kanilang unica hija na si ate Zia, ayon pa sa naunang balita ng gmanetwork.com.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'

Live streaming kasama ang Pakistan minister, kinatuwaan dahil sa 'cat filter'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel