5 Darna bets, kakasa sa hamon na maging bagong Pinay superhero

5 Darna bets, kakasa sa hamon na maging bagong Pinay superhero

Sa napakaraming mga pangalan na ibinigay ng mga netizens at iba’t ibang mga personalidad na para maging bagong Pinay superhero na si Darna ay narito ang 5 sa kanila na kakasa sa hamon kung pipiliin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang 5 sa mga Darna bets na go na go sa hamon kung mapapabigyan para gumanap ng nasabing role.

1. Pia Wurtzbach

Tatanggapin at tutukan daw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang papel ni Darna kung ibibigay ito sa kanya.

Ito ang ipinahayag ni Pia sa isang interview sa ABS-CBN News, at ani pa nito na ibibigay daw niya lahat.

2. Catriona Gray

Isa rin sa bets na magiging Darna ay ang reigning Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

At sa TV Patrol, ibinahagi ang pagtatanong ng entertainment press tungkol sa nasabing role.

Magiging open naman daw siya kung ibibigay sa kanya ang papel na Darna.

3. Sanya Lopez

Isa pang napili para gumanap bilang ang bagong Darna ay ang Kapuso aktres na sumikat ng husto dahil sa kanyang papel bilang si Sang’gre Danaya sa Encantadia.

Masaya naman daw si Sanya na naging bet siya ng maraming tao pero hindi na rin daw niya ito pinapangarap dahil sa Kapamilya raw ito na proyekto.

4. Janella Salvador

Itinanong ni Boy Abunda kay Janella Salvador sa kanyang show na TWBA kung tatanggapin ba raw niya ang role na Darna.

Kakasa naman daw ang magandang aktres pero inamin din nalungkot sa pag-atras ni Liza Soberano mula sa pagganap ng sikat na Pinay superhero.

5. Yassi Pressman

Una ng ipinahayag ni Yassi Pressman ang pangarap na gumanap bilang Darna sa interview ng ABS-CBN News sa kanya noong 2017.

Kamakailan lang ay ibinahagi namin ang '5 Pinay actresses na bet ng marami para gumanap na Darna, di daw para sa kanila ang role.'

POPULAR: Read more news about Darna here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel