Pasan ni nanay; 22-anyos na binata, karga ng kanyang ina sa loob ng 15 taon

Pasan ni nanay; 22-anyos na binata, karga ng kanyang ina sa loob ng 15 taon

-Sa loob ng 15 taon, pasan ni aling Cristina ang kanyang anak na si Juan Carlos dahil sa kondisyon nito

-Araw-araw, kinakailanagan niyang pasanin ang 30 kilos na timbang ng kanyang panganay na anak papasok sa eskwela at pauwi sa kanilang bahay

-Sa kabila ng hirap, pagod at sakripisyo, nananatiling positibo ang mag-ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng isang magulang, lalo na ng isang ina. Isa ng patunay ay ang kwento ng mag-inang Cristina at Juan Carlos Argarin.

Ang nakabibilib na istorya ng mag-ina mula sa Antipolo, naitampok sa programang Kapuso Mo Jessica Soho kamakailan.

Araw-araw, kailangang pasanin ni aling Cristina ang 22-anyos na si Juan Carlos papasok at pauwi mula sa eskwela.

Ang binata kasi, paralisado dahil sa isang aksidente noong ito ay 5-anyos pa lamang. Ang akala nila, ito ay dahil sa napinsala ang spinal cord nito.

Sumailalim ito sa isang operasyon ngunit hindi na muling nakalakad pa. Kaya naman simula noon buhat na ito ng ina.

Hindi alintana ng ginang ang nasa 30 kilos na timbang ng anak makapasok lang ito.

Bukod rito, ang kanilang tahanan ay nasa ilalim ng isang burol na dagdag pa sa hirap nila. Kaya naman ang bunsong kapatid ni Juan ang bumubuhat sa kanya paakyat.

Dati raw kasi, makailang beses nahulog ang mag-ina rito minsang umuulan.

Ang eskwelahan naman nila Juan Carlos, puro hagdan kung kaya hindi na naisip pa ni aling Cristina na gumamit ng wheelchair.

Mabuti na lamang at mayroong mga taong sensitibo sa kalagayan ng binata, katulad ng kanyang bestfriend na si Jaim na siya namang gabay nito sa paaralan.

Para kay Jaim, si Juan Carlos at aling Cristina ay isang inspirasyon para sa lahat.

Sa kabila ng mga pagsubok, nananatiling positibo ang mag-ina at pursigidong makapagtapos si Juan dahil pangarap nitong maging isang computer engineer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nais rin nitong maiahon sa hirap ang kanyang pamilya at masuklian ang mga sakripisyo ng ina para sa kanya.

Nang ipasuri muli ang binata sa isang espesyalista pagkatapos ng 15 taon, napag-alamang hindi dahil sa aksidente kung bakit ito naparalisa.

Kung hindi dahil sa sakit na Pott’s Disease na taglay nito. Isang uri ng tuberculosis sa buto. Dito na rin nalaman na wala ng kakayahan pang makalakad si Juan Carlos.

Ngunit tinanggap na ng binata ang kanyang kalagayan sa pag-asang mayroong magandang bukas pa rin siyang haharapin.

Kaya naman sa espesyal na araw ng pagtatapos ni Juan Carlos, may inihandang sorpresa ang lahat para sa kanila.

Bukod sa pagkilala sa abilidad ni Juan Carlos, binigyang-karangalan rin si aling Cristina bilang "huwarang ina" na siya namang nararapat para sa kanya.

At sa tulong ng programang KMJS, may regalong inihanda para kay Juan upang patuloy na kamtin ang kanyang mga pangarap.

Labis ang pasasalamat ng pamilya dahil hindi na nila kailangan pang alalahanin ang pag-aaral ni Juan Carlos.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel