Forgive! Zsa Zsa Padilla, may aral tungkol sa kahalagahan ng pagpapatawad

Forgive! Zsa Zsa Padilla, may aral tungkol sa kahalagahan ng pagpapatawad

- May aral si Zsa Zsa Padilla na ibinahagi sa socmed tungkol sa kahalagahan ng pagpapatawad

- Shinare ng Divine Diva ang isang mahabang post ni Karylle sa kanyang page tungkol sa pagfo-forgive

- Kaya naman naibahagi ng award-winning singer-actress ang aral na kanyang natutunan kaugnay nito

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naispatan ng KAMI ang pinag-uusapang post ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa social media kamakailan lang.

Ito ay isang screenshot ng mahabang post ni Karylle tungkol sa pagpapatawad at kahalagahan nito.

Kaugnay nito ay naibahagi rin ni Zsa Zsa ang kanyang masakit na napagdaanan at kung paano siya nag-let go at nagpatawad.

Ibinahagi din niya ang kahalagahan ng pagpapatawad mula sa mga taong nanakit sa kanya.

Bungad pa ni Zsa Zsa:

"I realized anger eats you up."

Sa pagpapatuloy ng kanyang mahabang caption ay isang realization kaugnay nito.

"Ikaw ang affected and deadma lang yung tao na gumawa sa iyo ng kasalanan. Kaya tama na magpatawad at gawin ito para sa sarili."

At sa huli ay napagtanto niya ang mga plano ng panginoon at nagpasalamat sa mga anak na sina Karylle at Yael Yuzon sa mga magandang salita tungkol sa pagpapatawad.

"God, You only give what we can bear. Salamat, Panginoon dahil ginabayan mo ako. Thank you Karylle and Yael for your very wise words. #forgive"

Bukod sa trending post na ito na angkop at nasa oras ngayong Holy Week season, una na ring napasali sa isang viral pampa-good vibes video si Zsa Zsa Padilla nang masali sa 'Top 5 sa nakakalokang 'Dalagang Pilipina' challenge sa It's Showtime.'

Si Zsa Zsa Padilla ay kilala bilang ang Divine Diva ng Philippine Entertainment na umani ng maraming awards bilang actress at singer.

Ngayon, makikita si Zsa Zsa sa ASAP at It's Showtime bilang hurado, kung saan host si Karylle, at makakasali rin siya sa bagong teleserye na “Love Thy Woman."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel