Suspek sa "septic tank murder", inilahad kung bakit niya napatay ang biktima

Suspek sa "septic tank murder", inilahad kung bakit niya napatay ang biktima

-Sa isang press conference sa loob ng Police Regional Office-Central Visayas, inilahad ng security guard na si Jessie Medequillo ang dahilan ng pagpatay niya kay Tesa Marie Ygay

-Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa pagbabanta sa kanya ng ama ng biktima

-Itinanggi rin nito na mayroon silang relasyon ng dalagita

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Sa isang press conference na ginanap sa Police Regional Office-Central Visayas nitong April 15, Lunes, iprinisinta ng mga pulis si Jessie Medequillo, ang security guard na suspek sa pagpatay kay Tesa Marie Ygay.

Si Ygay, ang 14-anyos na dalagitang natagpuang patay sa loob ng isang septic tank sa Cogon Cruz Integrated School, Danao City, Cebu.

Sa press con, sinabi ni Medequillo ang dahilan kung bakit niya napatay ang biktima.

Ayon sa sekyu napatay niya ang biktima dahil sa galit sa ama nito na si Felimon Enoy.

Binantaan raw kasi ni Enoy na papatayin siya nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ayon sa report ng Sun Star Cebu, nagalit si Enoy dahil inahit ni Medequillo ang buhok ng dalagita, dalawang linggo bago ang krimen.

Depensa naman ni Medequillo, nagawa lang niya ito dahil na rin sa reklamo ni Enoy na palaging umaalis ang anak na may mga kasamang lalaking ka-edad ito.

Itinanggi rin ng suspek na mayroon silang relasyon ng biktima pero inamin niyang sinasagot niya ang ilang bayarin nito sa eskwelahan, maging pagkain nito at ng pamilya nito.

Ngunit hindi umano siya naghahangad ng anumang kapalit sa kanyang pagtulong dahil itinuring na niyang anak ang dalagita.

Bagamat lumabas sa forensic findings na ginahasa ang dalaga ayon kay Police Brigadier General Debold Sinas, itinanggi ng suspek na pinagsamantalahan niya ang biktima.

Sabi pa ni Medequillo, humihingi umano ng pera sa kanya ang biktima noong gabi ng krimen. Nanaig umano ang galit nito sa ama ng dalagita kung kaya nagawa niya itong patayin.

Pagkatapos ng gabing iyon, agad raw siyang tumakas at nagtago sa mga kaanak ngunit nakunsensya kaya isinuko ang sarili noong Abril 12.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel