Netizens, nahiya sa pagtatapon ng basura ng isang Pinoy na sinita ng isang German

Netizens, nahiya sa pagtatapon ng basura ng isang Pinoy na sinita ng isang German

- Isang German cyclist ang pumulot ng basura na tinapon umano ng pasahero ng isang van

- Isinauli nito ang basura sa nagtapon at pinangaralan pa ng German ang naturang pasahero

- Habang umani ng papuri ang German cyclist, tila nahiya naman ang ilang Pinoy sa ginawa na ito ng pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang German cyclist ang lakas loob na pumulot sa basurang tinapon ng isang pasahero ng van sa Makati city noong Abril 10.

Nakilala ang German national na si Frank Schuengel. Nagbibisikleta papasok si Frank sa kanyang trabaho nang mapansing nagtapon ang isang pasahero ng isang maliit na supot ng basura.

Pinulot ito ni Frank at sinundan ang van na pinagmulan ng basura. Lakas loob niyang kinatok ito at sinauli sa nagtapon ang basura.

PAY ATTENTION: 15 True Facts About Meghan Markle Before Meeting Prince Harry

Bukod pa rito, nagawa pang pangaralan ni Frank ang nagtapon ng basura sa labas ng van. "“This is not a bin. Throw that out. Don’t do it,” sabi ni Frank sa sakay ng ng van.

Binahagi ang video na ito ni Frank sa Facebook page na VISOR na may caption na "Would you do something about it?"

Matapos mag-viral ng naturang video, naging daan upang upang magbigay ng paalala ang environmentalist grooup na EcoWaste Coalition sa mga motorista ukol sa tamang pagtatapon ng basura kung nasa daan.

“Please be considerate of other people and our common environment. Never throw waste out of vehicles,” ayon sa EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Toleration.

Madalas kasing naitatapon sa daan mula sa mga sasakyan ang mga balat ng candy, upos ng sigarilyo, papel at mga plastik. Kahit pa gaano ito kaliit, mariing ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga ito sa daan.

Samantala, umani ng papuri ang German cyclist sa lakas ng loob nitong sitahin ang nagtapon ng basura mula sa van. Ngunit, ang iba naman ay tila nahiya dahil isang dayuhan pa ang sumita sa Pinoy na gumawa nito sa sarili niyang bansa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Buti pa taga ibang bansa may malasakit pa eh ung ibang pinoy taga rito na nga walang mga pake! Sarap itapon sa basurahan.."
"Oh ano masasabi mo dyan, ibang lahi pa talaga sumita sayo? Nakakahiya"
"Tama lang yan! Sarap itapon pabalik sa kanila basura nila!"
"German courage and outrage!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Do you want to have a good laugh? Watch this special public prank on YouTube

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan

Rescuer sa guho sa Porac, takbuhan matapos yanigin muli ng lindol ang lugar

Actual video sa guho sa Porac nang yanigin muli ng lindol; rescuer, takbuhan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel