4-anyos sa Pangasinan, napatay sa bugbog ng kanyang amain

4-anyos sa Pangasinan, napatay sa bugbog ng kanyang amain

-Matapos hatawin sa ulo ng walis tambo, ginulpi pa raw ng suspek ang kanyang stepson hanggang sa tuluyan nang bawian ng buhay

-Patuloy pa ring tinutugis ang lalaki na agad tumakas matapos madiskubreng napatay nito ang bata

-Kinasuhan na rin ang suspek ng kasong pagpatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinutugis na ngayon ng mga pulis ang lalaking si Jessie Garbo matapos nitong mapatay sa gulpi ang anak ng kanyang kinakasama.

Kinilala ang biktima na si Erven Piad, 4 na taong gulang pa lamang.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima sa panayam ng GMA News, nakita niyang magkatabi sa higaan ang suspek at ang kanyang anak noong Huwebes, Abril 11.

Sabi pa ni Angela San Andres, hinataw ng suspek ng walis sa ulo ang kanyang anak.

"Pinapatulog niya po 'yung anak ko, hindi po natulog po 'yung anak ko tapos nung hindi natulog, kinuha niya 'yung walis tambo, pinalo niya sa ulo," pahayag ni San Andres.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"'Pagkatapos ng pagkapalo niya sa ulo ng anak ko, dumugo 'yung ulo ng anak ko, may hiwa," dagdag pa nito.

Matapos raw nilang gamutin ang sugat ng bata ay inutusan pa raw ng suspek na bumalik sa kanyang tabi ang biktima.

Napansin na raw ng ginang na tila nanghina ang anak at namutla. Nahirapan na rin daw itong huminga. Ngunit inutusan pa rin daw ito ng suspek na iduyan ang kapatid.

Dahil sa panghihina, hindi na ito nagawa ng bata at tuluyan nang napahiga.

"'Yung nakikita niya na humihiga 'yung anak ko na parang nanghihina na, binugbog niya po,"

Doon na ito nilapitan ng suspek at ginulpi hanggang sa tuluyan nang namatay.

Napansin na lamang nila na hindi na gumagalaw ang bata at hindi na humihinga. Sa pagkakataong iyon pa lang nila isinugod sa ospital ang bata.

Agad namang tumakas ang suspek na nakasuhan na ng pagpatay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Batang babae sa Porac, patay dahil sa binalikang tsinelas noong lindol

2-anyos na binalikan ang tsinelas sa kasagsagan ng lindol, patay

2-anyos na binalikan ang tsinelas sa kasagsagan ng lindol, patay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel