Obon, inaming nasaktan sa mga akusasyon ng mga netizens kaugnay sa kaso ni Silawan

Obon, inaming nasaktan sa mga akusasyon ng mga netizens kaugnay sa kaso ni Silawan

-Hindi na itinanggi pa ni Police Colonel Limuel Obon na nasaktan siya sa mga akusasyon ng netizens kaugnay sa kaso ni Christine Silawan

-Ayon kasi sa ilan, scripted lang ang pag-amin ni Renato Llenes ang 43-anyos na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalaga

-Naiyak pa si Obon sa harap ng media ngunit sinabi nitong gagawin pa rin nila ang lahat upang maresolba ang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naiyak sa harap ng media si Police Colonel Limuel Obon ng Lapu-Lapu City police kamakailan lang.

Ayon sa Sun Star Cebu, inamin ni Obon na nasaktan siya sa mga akusasyon ng mga netizens kaugnay sa kaso ni Christine Silawan.

Ayon sa report, may ilang netizens ang nagsabing "scripted" lang ang pag-amin ng 43-anyos na si Renato Llenes na siya ang pumatay kay Christine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang inamin ni Llenes na siya ang pumatay at tinangkang gahasain pa ang dalaga.

Maraming netizens ang hindi kumbinsido dito lalo pa at una nang naibalitang nag-match ang dugo ni Christine sa mga nadiskubreng dugo sa damit at sombrero ng 17-anyos na suspek.

Ang ina naman ni Christine, tumangging pirmahan ang affidavit of complain laban kay Llenes at nais na kasuhan pa rin ang naunang suspek na dating nobyo ng anak na una nang ibinalita ng KAMI.

Ganunpaman, sinabi ni Obon na patuloy nilang gagawin ang trabaho upang tuluyan nang maresolba ang kaso.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gerald Anderson's mom to Bea Alonzo: "Ayaw nga kita para sa kanya."

Gerald Anderson's mom to Bea Alonzo: "Ayaw nga kita para sa kanya."

Gerald Anderson's mom to Bea Alonzo: "Ayaw nga kita para sa kanya."
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel