6-anyos na batang babae, patay matapos mabaril sa ulo ng kapatid na 4-anyos lang

6-anyos na batang babae, patay matapos mabaril sa ulo ng kapatid na 4-anyos lang

-Patay ang 6-anyos na si Millie Drew Kelly matapos itong mabaril sa gilid ng ulo ng kanya mismong kapatid

-Ayon sa report, nakaupo ang dalawa sa sasakyan ng mga ito habang may inaayos ang kanilang ina sa labas ng sasakyan

-Pagkatapos ay nakarinig na lamang ito ng putok ng baril na nakuha pala sa loob ng sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Patay ang 6-anyos na si Millie Drew Kelly nang 'di sinasadyang mabaril ito sa gilid ng ulo ng mismong kapatid nito na 4-anyos pa lang.

Ayon sa report ng LAD Bible, nakasakay lang sa loob ng sasakyan ng mga ito ang dalawa habang may inaayos lang sa labas nito ang kanilang ina.

Nasa loob pa sila ng kanilang driveway sa Paulding County, Georgia nang maganap ang insidente.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang nag-aayos umano ang ginang ay nakarinig na lamang ito ng putok ng baril.

Ang baril, nakuha pala ng bata sa loob ng console ng sasakyan ng mga ito.

"They were all loaded up to leave the home and the car wouldn't start. Their mother hopped out to find the source of the problem, and somehow the young boy got hold of a handgun.

"That is when she heard the shot. As you can imagine, the mom was frantic." ayon sa pahayag ni Sgt. Ashley Henson, spokeperson ng Sheriff sa lugar.

Isinugod pa sa Children's Healthcare of Atlanta si Millie ngunit namatay rin kinalaunan.

6-anyos na batang babae, patay matapos mabaril sa ulo ng kapatid na 4-anyos lang

Photo source: LAD Bible
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aso, spotted habang matiyagang naghihintay sa tabi ng hospital bed ng amo na pumanaw na

Aso, spotted habang matiyagang naghihintay sa tabi ng hospital bed ng amo na pumanaw na

Alagang aso, matiyagang naghihintay sa tabi ng hospital bed ng among pumanaw na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel