Ex-BF ni Christine Silawan, nais pa ring kasuhan ng nanay ng dalaga

Ex-BF ni Christine Silawan, nais pa ring kasuhan ng nanay ng dalaga

-Sa kabila ng pag-amin ng 43-anyos na suspek na si Renato Llenes, gusto pa ring kasuhan ng ina ni Christine Silawan ang ex-BF nito

-Inamin ng PRO-7 na nahihirapan silang kumbinsihin ang ginang na mag-file ng kaso laban sa umamin na suspek

-Ang mga awtoridad, sinusubukan pang kumbinsihin ang ama ni Christine na magsilbing complainant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Police Brigadier General Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO – 7) na nahihirapan silang kumbinsihin ang ina ni Christine Silawan na mag-file ng kaso laban sa 43-anyos na suspek na si Renato Llenes.

Nitong Biyernes, pinuntahan ng Lapu-Lapu City police ang bahay ng mga Silawan upang papirmahan kay Lourdes ang affidavit of complaint, ngunit tumanggi ito ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Nais umano ng ginang na sampahan rin ng kaso ang unang naging primary suspect, ang 17-anyos na ex-boyfriend ni Christine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ayon kay Sinas, hindi nila maaaring gawin ito dahil lahat umano ng ebidensya ay nagtuturo kay Llenes bilang killer ni Christine.

Matatandaang una nang ibinalita ang pag-amin ni Llenes sa krimen ng brutal na pagpatay sa dalaga.

Sa isang artikulong isinulat ng KAMI, isiniwalat ni Llenes kung paano niya ginawa ang krimen.

Samantala, sinusubukan naman ng mga awtoridad na kumbinsihin ang tatay ni Christine na si Mario Pardillo upang magsilbing complainant.

Ex-BF ni Christine Silawan, nais pa ring kasuhan ng nanay ng dalaga

Photo source: Screengrab from CDN
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
22-anyos na may kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao

22-anyos na may kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao

22-anyos na magtatapos ng kursong Food Tech, pinaka-unang summa cumlaude ng UP Mindanao
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel