Matadero, natagpuang pugot ang ulo at may nakatarak pang patalim sa dibdib

Matadero, natagpuang pugot ang ulo at may nakatarak pang patalim sa dibdib

-Tadtad ng saksak, nakatarak pa ang isang patalim sa dibdib at pugot ang ulo ng isang lalaki nang matagpuan ito sa isang slaughter house

-Ang suspek kapwa matadero ng biktima at kainuman nito nang gabing mangyari ang krimen

-Sabi ng suspek, hindi niya matandaan ang nangyari dahil sa sobrang kalasingan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaki sa Bontoc, Mountain Province na natagpuang pugot ang ulo, tadtad ng saksak at may nakatarak pang patalim sa dibdib.

Ang biktima, kinilalang si Wilfredo Aquino, isang matadero.

Ayon sa ulat ng GMA News, naaresto ang suspek na si Kevin Changat, 25-anyos, at kapwa matadero ng biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas sa imbestigasyon na nakipag-inuman ang biktima sa suspek kasama ang isa pa na kinilalang sa pangalang Larry.

Maaga umanong nakatulog si Larry kaya wala itong alam sa krimen.

Habang si Changat, umamin umano na siya ang pumugot sa ulo ng biktima ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na niya maalala ang buong pangyayari.

Naaresto ito na may mga dugo pa sa katawan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel