1 buwang bill sa tubig ng isang pamilya, umabot sa mahigit P90k

1 buwang bill sa tubig ng isang pamilya, umabot sa mahigit P90k

-Ikinagulat ng husto ng isang pamilya nang dumating ang bill nila sa tubig dahil umabot ito sa mahigit P90,000

-Ang kadalasang nasa P2,000 nilang bill lumobo dahil umano sa leak

-Nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng pamilya at ng Manila Water kung paano mababayaran ng mga ito ang napakalaking bill

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot sa mahigit P90,000 ang bill sa tubig ng isang pamilya na ikanagulat ng mga ito ng labis.

Ang karaniwang nasa P2,000 nilang bill ay lumobo ng husto para sa buwan lang ng Disyembre 2018 hanggang Enero 2019.

Sa report ng 24 Oras, inireklamo ng pamilya ang kanilang napakalaking bill sa Sumbungan ng Bayan.

Ang programa, idinulog ito sa Manila Water na nagsagawa na umano ng imbestigasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang ang mga tubo sa bahay ng nagrereklamong pamilya ay may leak na naging sanhi ng pag-lobo ng kanilang bill.

Kailangang sumailalim sa repiping ang mga ito at sagot ito ng consumer.

Ayon pa sa ulat, nagkaroon na ng pag-uusap ang pamilya at Manila Water kung paano mababayaran ng mga ito ang napakalaking bill.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel