Sam Milby isinugod sa ER habang nasa ‘Halik’ finale presscon

Sam Milby isinugod sa ER habang nasa ‘Halik’ finale presscon

- Kinailangang isugod sa emergency room ang aktor na si Sam Milby

- Ito ay matapos makaramdam siya ng matinding pananakit ng tiyan

- Sa finale presscon ng Halik nitong Huwebes ay agad na umalis ang aktor pagkatapos ng photo opp

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nagawang tapusin ng Kapamilya actor na si Sam Milby ang finale presscon ng teleseryeng Halik. Isinugod siya sa ospital matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan.

Ayon pa sa ulat ng Bandera Inquirer, sinugod sa emergency room ng St. Lukes Hospital ang aktor ng handler niyang si Caress Caballero.

PAY ATTENTION: 20 Funny Wedding Memes That Describe Almost Any Wedding

Nakasaad din sa nasabing ulat na stomach flu ang dahilan ng pananakit ng tiyan ng aktor ayon sa doktor na sumuri dito.

May abdominal cramps, pagsusuka, nananakit na katawan at nilalagnat si Sam ng mga sandaling iyon na lubhang ikinabahala ng kanyang mga kasamahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kahit iminungkahing kailangang iadmit, hiniling ng aktor na ngayong araw na lamang dahil sa mahahalagang eksenang dapat kuhanan sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye kasama sina Jericho Rosales, Yam Concepcion at Yen Santos.

Nakilala si Sam Milby bilang TV host, actor, endorser at commercial model. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother bago tuluyang pasukin ang mundo ng showbiz.

POPULAR: Read more about Sam Milby here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank In Public: Did You Just Fart? | HumanMeter

Check out the public prank video filmed in the Philippines. Watch us blame farting noises on random people in public. Some people laugh, some are defensive, other don't notice. Enjoy!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Chambe

Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Chambe

Netizens, dalang-dala sa tawa ng 'Favorite Celebrity Baby Endorser' na si Seve
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel