Lalaking nasa drug watch list, patay 1 araw bago ideklarang cancer free ang anak

Lalaking nasa drug watch list, patay 1 araw bago ideklarang cancer free ang anak

-Isang High Value Target ng mga pulis ang namatay sa isang buy bust matapos umanong makipag-transaksyon sa nagpanggap na buyer ng droga

-Nasawi ito isang araw bago ideklarang cancer free na ang bunsong anak nito na 2-anyos pa lang

-Sa kabila ng nangyari sa kanilang padre de pamilya, nagpapasalamat pa rin ang pamilya na ligtas na mula sa sakit ang anak nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa sakit, idineklarang tuluyan nang cancer free ang dalawang taong gulang na bata sa Cebu.

Ang magandang balitang ito, natanggap nila isang araw pagkatapos mamatay ang ama nito sa isang buy bust na isinagawa sa bahay ng mga ito sa Zone Litob, Barangay Kalawisan, Lapu-Lapu City.

Ayon sa report ng Cebu Daily News, isang High Value Target (HVT) ang lalaki na kinilalang si Manuel Baclohan, 47-anyos.

Nakipag-transaksyon umano si Baclohan sa isang pulis na nagpanggap na isang buyer.

Nang malaman, itinulak umano ng suspek ang pulis at tsaka tumakbo sa loob ng bahay ng mga ito upang kunin ang baril nito.

Pinaputukan umano nito ng pulis kaya napilitan itong magpaputok rin.

Sabi pa sa report ng CDN, ilang witness ang nagsabing walang transaksyong naganap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa mga ito, bigla na lamang pinasok ang bahay ng mga suspek ng mga lalaking nakasuot ng bullet proof vests at naka-face mask.

Naroon pa umano ang ilang kaanak ng suspek kabilang na ang 9-anyos na anak nito at pinalabas. Pagkatapos ay limang putok ng baril ang narinig.

Sa kabila ng pagkawala ni Baclohan, nagpapasalamat pa rin ang pamilya sa tuluyang paggaling ng anak nito.

Sanggol pa lang raw kasi ito ay na-diagnose na ito na mayroong Hirschsprung’s disease, isang congenital disorder sa colon.

Mayroon rin itong down syndrome.

Wala pa itong 1 taong gulang nang una itong ma-operahan. At matapos ang pagpapabalik-balik nito sa ospital sa loob ng dalawang taon ay tuluyan na itong gumaling.

Lalaking nasa drug watch list, patay 1 araw bago ideklarang cancer free ang anak

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teenage pregnancy is now a ‘national social emergency’

Teenage pregnancy is now a ‘national social emergency’

Teenage pregnancy now acknowledged as ‘national social emergency’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel