Jinkee Pacquiao, balik GenSan pagkatapos ng anim na buwan di nakauwi! Grabe ang mansyon

Jinkee Pacquiao, balik GenSan pagkatapos ng anim na buwan di nakauwi! Grabe ang mansyon

- Balik GenSan nga si Jinkee Pacquiao pagkatapos ng anim na buwan na di nakauwi

- Nagbahagi naman ito ng ilang pictures sa kanilang mansion at magarbong swimming pool nito

- Isang bonggang hapunan naman ang inihanda niya sa kanyang pag-uwi at binisita rin niya ang bahay ng kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spottend ng KAMI na umuwi si Jinkee Pacquiao sa hometown nila ni Manny Pacquiao, ang General Santos city o mas kilala rin sa tawag na GenSan.

Nagbahagi naman ng ilang mga larawan ang maybahay ni Pacman sa kanyang pag-uwi.

Unang pinakita ni Jinkee ang kanilang magandang mansion at driveway papasok dito.

Sumunod ay binisita niya ang kanyang mga magulang.

Ani pa niya sa kanyang pagbisita:

“Ang munting tahanan ni Papang at Mamang.”

At sinundan niya ito ng isang maganda at preskong larawan niya na nakaupo sa magagarang furniture ng kanilang patio na napapalibutan ng halaman.

Naghanda naman ng maraming pagkain para sa hapunan nila si Jinkee at talaga namang kay sarap tingnan ang lutong bahay sa probinsya.

Mga tatlong oras pa ang nakakaraan, ibinahagi din ni Jinkee ang magarbo at malawak na swimming pool nila.

Ibinahagi din namin kamakailan ang post ng pagiging emosyonal ni Jinkee dahil sa kanyang dalawang binatang mga anak.

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Online raketera, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

Online raketera, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon

Online raketera, nakapagpatayo ng sariling bahay sa loob lamang ng limang taon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel