Netizen, nabahala sa kalunos-lunos na kalagayan ng 6 na magkakapatid na ulila sa ina

Netizen, nabahala sa kalunos-lunos na kalagayan ng 6 na magkakapatid na ulila sa ina

- Isang nagmamalasakit na netizen ang humihingi ng tulong para sa isang pamilya sa probinsya ng Aurora

- Labis na nag-alala ang netizen sa kalunos-lunos na kalagayan ng anim na magkakapatid na ulila na pala sa ina

- Bagaman at may ama pa naman ang mga ito, ang magkakapatid pa rin ang nag-aasikaso sa isa't isa at ang isa pa sa kanila ay may kapansanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Facebook page ng Balitang Aurora province, binahagi ng netizen na si Patrick Mar Bihasa ang kalagayan ng isang pamilya sa nasabing probinsya.

Humihingi si Patrick ng tulong para sa anim na magkakapatid na ulila na pala sa ina. Bagaman at mayroon pa namang ama ang mga bata, sila sila pa rin ang nagtutulungan para sa isa't isa.

Ang nakapanayam ni Patrick ay ang sumunod sa panganay. Nakilala ang bata na si Zenderick Bihasa. Makikita sa larawan na si Zendrick ang abala sa paglalaba.

PAY ATTENTION: Power Couples Who Are Still Adored By The Public Decades After

Napag-alaman pa ni Patrick na di nakalalakad ng maayos si Zendrick dahil sa kanyang kapansanan. Ngunit, sa kabila ng kalagayan ay nakagagawa pa rin siya ng gawaing bahay.

Pinakita rin ang bahay nina Zendrick na isa lamang kubo at mapapansin ding wala sa ayos ang mga kagamitan.

Dahil sa nakitang kalagayan ng magkakapatid, naisipan ng netizen na ihingi ito ng tulong lalong lalo na sa magkakapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakatira ang pamilya sa barangay Buhangin Purok 4 Baler, Aurora at binigay din ang numerong 09123773785 para sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong.

Anumang maibabahagi ay tiyak na malaking bagay na sa pamilya lalo na sa mga bata. Sana nga ay mabigyang pansin sila sa lalong madaling panahon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Park Bo-gum, dumating na sa bansa! Kdrama fans, hindi magkamayaw sa kilig

Park Bo-gum, dumating na sa bansa! Kdrama fans, hindi magkamayaw sa kilig

Park Bo-gum, dumating na sa bansa! Kdrama fans, di magkamayaw sa kilig
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel