7 bagay na kadalasang tinatanong tungkol sa "annulment" at "legal separation"

7 bagay na kadalasang tinatanong tungkol sa "annulment" at "legal separation"

Nakalulungkot isipin at malaman na tila dumarami na ang kaso ng mga kasal na di na talaga naaayos pa.

Habang ang karamihan ay basta na lamang naghihiwalay, ang ilan naman ay piniling dumaan sa ligal na proseso tulad ng annulment o di kaya naman ay legal separation.

Ayon sa Cosmo.ph na sinulat ni Ana C. Pascual, nakapanayam nila si Litigation Lawyer and ADR Practitioner Lourdes J. Espinosa, JD at binigyang linaw nito ang ilang kadalasang tanong pagdating mga proseso ng ligal na hiwalayan.

Narito ang ilang mga kasagutan sa kadalasang mga tanong patungkol sa annulment at legal separation.

1. Anong pinagkaiba ng annulment sa legal separation?

Kapag annulled na, balik single na ang status ng dating may asawa at maari na uling magpakasal. Ang dating mga ari-arian ng mag-asawa ay paghahatian ng maayos ayon na rin sa mapag-uusapan nila alinsunod sa batas.

Samantala, ang mga legally separated naman ay "kasal" pa rin ang estado. Sila ay pinahihintulutan lamang na manirahan sa magkaibang bahay at maghati na rin ng ari-arian gayundin sa aspetong pinansyal ng isa't isa. Di sila maaring magpakasal muli at kung mangyari ito, maari pa rin silang kasuhan ng adultery/concubinage.

2. Magkano ang aabutin ng proseso ng annnulment?

Maaring umabot ng nasa 300,000 hanggang 500,000 ang kabuuan ng pagpoproseso ng pagpapa-annul habang ang legal separation ay mula P75,000 hanggang P150,000.

3. Paano ito babayaran? Pagkatapos o habang umuusad ang proseso?

Agad itong dapat bayaran at ang tinatawag na lamang na success fee para sa abogado ang babayaran matapos ang proseso kung naging matagumpay ito.

4. Gaano katagal ang pag-proseso nito?

Kung may wala nang apila pa ang kabilang partido ng nag-file, aabot lamang ito ng 18 hanggang 26. Ngunit, kung ang kabialng partido ay tila umaapila pa, sadyang tatagal pa ang kaso ng 36 hanggang 50 na buwan. Ito ay naka-depende rin sa korte at sa panig na di nakadadalo.

5. Paano masasabi kung ang mag-asawa ay maaring magpa-annul o sumailalim sa legal separation?

Ito ay ibabase sa Family code gaya ng pagpapakasal ng wala pa sa hustong gulang, kinasal ng taong wala sa posisyon o kapangyarihang magsagawa nito, mga kinasal na walang lisensya at nakalusot ng ilang beses na pagpapakasal. Maaring magpa-annul din ang tinatawag na 'psychologically incapacitated' na ikinasal.

6. Paano ito makaapekto sa mga anak?

Ayon sa artikulo 36, tanging ang mga 'psychologically incapacitated' na anak ang mananatiling lehitimo habang ang iba na makokonsidera nang illegitimate children.

7. Mas mapadadali ba ang proseso?

Malaking bagay na nakahanda na ang lahat ng mga papeles, ebidensya at ibang mga records upang mapadali ang proseso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel