Yen Santos, may nakakatawang hirit sa pagpili sa kanya ng ilan para gumanap bilang Darna

Yen Santos, may nakakatawang hirit sa pagpili sa kanya ng ilan para gumanap bilang Darna

- May nakakatawang hirit si Yen Santos sa pagpili ng ilan sa kanya para gumanap bilang bagong Darna

- Isa umano si Yen sa mga binoto ng mga netizens para sa naturang role pagkatapos mag-resign si Liza Soberano

- Pero isang nakakalokang tugon ang ibinato ng Halik actress sa nasabing balita

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI ang nakakalokang tugon ni Yen Santos sa pagpili sa kanya ng ilang mga netizens at fans na gumanap bilang ang bagong Darna.

Spotted daw ng maraming showbiz press ang Halik actress, ayon pa sa ulat na ibinahagi ni Leo Bukas ng push.com.ph.

Dito raw ay tinanong si Yen tungkol sa viral role na pinag-uusapan ngayon, ang Darna.

Marami umano ang naniniwala na pwede maging bagong Pinay superhero si Yen.

At may nakakaloka at nakakatawang tugon ang aktres.

Tugon daw ni Yen sa tanong sabay tawa pagkatapos:

“Ay! Wow! Naku po! Baka po puwedeng ako na lang yung bato."

Gayunpaman, tinanong ulit siya ng entertainment press kung i-consider siya para sa iconic na role na Darna.

Sagot naman ni Yen:

“Naku, feeling ko po ano, hindi po yun para sa akin."

Bumuhos naman ang reaksyon ng mga netizens sa Facebook page ng ABS-CBN tungkol dito.

"Miss Yen Santos deserve mo ang darna role kaya go na..."
"Pwede rin si Yen tapos Valentina si Jade..haha.. Para sa Darna nila ituloy ang laban."
"Mahinhin si Yen gumalaw.. Di bagay.. Kahit nga magalit yan sa Halik mukang mabait pa rin...haha"

Bukod pa kay Yen ay may 5 na sikat na mga Pinay celebs na bet ng marami para gumanap na Darna ang tila naniniwala na hindi para sa kanila ang role.

Si Yen Santos ay unang nakilala sa sikat na Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother.

Ngayon, sumikat ng husto ang Kapamilya actress na mapabilang sa hit teleseryeng Halik.

POPULAR: Read more news about Yen Santos here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy

Marian Rivera, pinuna ng netizens matapos makita ang pinakain kay baby Ziggy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel