Asawa ng "zombie doll" na si Kelly, pinatunayang laruan lang ito at hindi patay na bata

Asawa ng "zombie doll" na si Kelly, pinatunayang laruan lang ito at hindi patay na bata

- Mula nang naging kontrobersyal ang kasal ni Felicity Kadlec Rossi sa kanyang zombie doll na si Kelly, natakot di umano ang mga netizens na baka patay na bata raw ito

- Dumulog pa sa pulisya si Felicity upang patunayan na laruan lamang ang asawa at hindi patay na bata

- Minsan nang naging usap-usapan ang pagpapakasal ni Felicity sa 37 anyos niyang manika na isa rin palang babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na naman gumawa ng ingay sina Felicity Kadlec Rossi at ang kanya na ngayong asawa na si Kelly Rossi nang sabihin umano ng ilang netizen na tila patay na bata si Kelly.

Ayon kay Rebecca Shepherd ng LADBible, kinailangan pang dumulog ni Felicity sa local police station ng Vinita, Oklahoma, US upang kumpirmahin na hindi patay na bata ang kanyang asawa kundi laruan lamang.

Maalalang minsan nang naibalita ng KAMI ang kontrobersyal na kasalan ng dalawa kung saan binigyang linaw pa ng 20 anyos na bride na ang 37 anyos niyang "zombie doll" ay isang ring babae.

PAY ATTENTION: The Most Amazing Models From The '80s And How They Look Now

Mula noon ay inulan naa ng batikos di lamang ang kakaibang kasalan ng dalawa ngunit ang pangambang baka bangkay ng bata ang manika.

Upang bigyang tuldok na ang kontrobersiyang ito, nag-post sa kanyang Facebook si Felicity na kasama ang isang pulis na may hawak na "Vinta Police checked it out... It's just a doll."

"I am sick of people thinking that Kelly is a child and insinuating that I like children, so I knew I had to get this clarified to put an end to these claims," pagbibigay linaw ni Felicity.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mula nang akusahan si Felicity ng mga tao na isa raw siyang pedopilya sa pag-aakalang patay na bata si Kelly, naapektuhan daw siya ng labis na tila nanlamig siya sa asawa.

Kaya ngayong napatunayan na niyang "zombie doll" lang talaga ito, nais na niyang mag-move on at magpakasaya kapiling ng mahal niyang si Kelly.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf

"Wala na. It's over na," Tugon ni Yam Concepcion kung may ibang babae ang bf
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel