Lalaking nadala ang kinakainang plato palabas sa mall na nasusunog, nag-viral

Lalaking nadala ang kinakainang plato palabas sa mall na nasusunog, nag-viral

- Viral ngayon ang larawan ng lalaking nadala palabas ang platong kinakainan palabas ng mall na nasusunog

- Kita pa sa plato nito ang kanin at manok na kinakain ng lalaki at nakuha pa nitong mag-pose sa camera

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang larawan ng isang lalaking estudyante na nakunang nadala palabas ng nasusunog na Gaisano Mall of Davao (GMALL) ang kanyang plato na kinakainan.

Sa post ng netizen na si Joshua Jamez, makikita ang larawan ng nasusunog na mall kahapon, Abril 10 dahil sa itim na usok na nagmumula rito.

Kasama sa post ang larawan nilang magkakaibigan at ilang mall goers na mula sa loob at nagsilabasan upang makaligtas.

PAY ATTENTION: 15 Fascinating Signs That Show You And Your Partner Are Meant For Each Other

Ngunit, ang kapansin-pansin dito ay ang dalang plato ng lalaki na may ulam at kanin pa. nag kakatwa pa rito, naka-kamay pa siya.

"Food is life" nga raw ayon sa post ni Joshua at marahil sa pagmamadaling makaalis sa mall, nadala nito ang kinakainang plato.

Samantala, halo halong reaksyon ang binahagi ng netizens. Habang ang ilan ay biglang nag-alala dahil sa sunog, ang iba naman ay natawa na lamang sa nagawa ng lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sunog is stronger but gutom is strongest, cute kaau!"
"Sayang kasi naka unli rice pa naman si kuya"
"no fire can stop us haha"
"Pwede na next model ng mang inasal.."
"Sayang kaya ang bayad"

Samantala, nai-ulat sa Inquirer na bandang 4:17 na ng hapon nang tumawag ng bumbero ang lugar at agad naman itong rumesponde. Bandang 4:40 ng hapon ay tuluyan nang nawala ang apoy.

Wala namang nai-ulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel