Momo Challenge, may kinalaman pala sa pagpatay ni Llenes kay Christine Silawan

Momo Challenge, may kinalaman pala sa pagpatay ni Llenes kay Christine Silawan

- Si Renato Llenes ay umamin sa pulis na siya ang pumaslang kay Christine Silawan

- Isa raw ang Momo Challenge sa mga dahilan kung bakit niya ginawa ang krimen

- Gumamit daw si Llenes ng pekeng Facebook account upang targetin ang biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umamin na si Renato Llenes, 43, sa pagpatay sa 17-anyos na babaeng si Christine Silawan.

Nalaman ng KAMI na may kinalaman pala ang isang kontrobersyal na social media meme sa krimen na ito.

Ayon sa report ng Cebu Daily News Inquirer (isinulat ni (isinulat ni Morexette Marie B. Erram), umamin si Llenes na nagkaroon siya ng inspirasyon na i-target si Silawan dahil sa Momo Challenge, isang online challenge na naghihimok sa manlalaro na saktan ang sarili o maging ang ibang tao.

Sinabi ng suspek na gumawa siya ng pekeng Facebook account na gamit ang pangalang CJ Diaz. Iba rin ang picture at edad na ginamit niya sa nasabing account.

“I used a dummy Facebook account to lure Christine. We chatted frequently until we became a couple on Facebook…

“We agreed to meet personally for the first time on March 10 at Sacred Heart Parish in Lapu-Lapu City. We fought on our way (to Barangay Bangkal) and that’s when I killed her,” pagamin ni Llenes.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, inilahad pa ni Llenes ang iba pang motibo niya sa pagpaslang kay Silawan at kung bakit niya binalatan ng mukha ang biktima.

Ang Momo Challenge ay isang social media meme na nag-viral ngayong taon.

Hinihimok daw ng Momo Challenge ang mga batang naglalaro nito na gumawa ng iba’t-ibang challenges, kasama na ang pananakit sa kapwa at sa sarili. May ilang bata na raw ang nagpakamatay dahil sa challenge na ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Which Food Delivery App Is The Best? We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? Check out all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel