65-anyos na babae, 47 taon nang nakakadena dahil sa isang kondisyon

65-anyos na babae, 47 taon nang nakakadena dahil sa isang kondisyon

-Simula pa lang noong 18-anyos ang babaeng si Alyn, iginapos na siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kondisyon

-Dating puno nang pangarap ngunit nagsimulang mawala sa sarili matapos magpunta sa Maynila

-May naging karanasan pala ito na posibleng naging sanhi ng sakit na hanggang ngayon ay dinaranas pa rin nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa loob ng 65 taon ng buhay ng babaeng si "Alyn" ('di niya tunay na pangalan) 47 taon na siyang nakakulong sa mahigpit na pagkakatali ng kadena.

Sa isang report ni Kara David sa programang IWitness, naitampok ang istorya nito.

Simula noong siya ay 18-anyos, itinali na siya ng kanyang pamilya dahil sa kanyang kondisyon.

Ito lang ang tanging paraang naisip nila para hindi tuluyang mawala sa kanila si Alyn na mayroon palang schizophrenia.

Isang kondisyon kung saan nawawala sa sarili ang isang tao, may magulong isipan at hallucination.

Ang kapatid nitong si "Juanito" na lang ang tanging kasama ni Alyn at nag-aalaga rito. Hindi na ito nagkaroon ng sariling pamilya.

Ayon kay Juanito, hindi naman daw dating ganito si Alyn. Nagsimula lang daw ang kondisyon ni Alyn noong pumunta ito sa Maynila para mag-trabaho.

Mayroon umanong nagpa-inom ng kape kay Alyn. Ayon sa kwento ni Juanito, wala raw lasa ang kape at pagkatapos raw nito ay sumakit na lang ang ulo ng kapatid.

Nagsimula na rin daw makarinig ng maraming boses si Alyn.

Dahil dito, tinanggal sa trabaho si Alyn at iniuwi sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan pa raw ng kanilang pamilya na dalhin sa isang mental hospital ang dalagang Alyn ngunit wala rin daw nagawa ang mga ito sa kondisyon nito.

Ang kondisyon ni Alyn ay nangangailangan ng habang-buhay na gamutan ngunit hindi ito kaya ng magkapatid.

Nabubuhay lamang sila dahil sa pagsasaka ni Juanito.

At dahil nasa isang liblib na lugar sa Ormoc, Leyte, isang pribadong klinik lang ang meron sila.

Sa tulong ng programa, nasuring muli si Alyn at nabigyan ng mga gamot.

Ayon sa update ng programa, mas maayos na ang kalagayan nito at tinaggal na rin ni Juanito ang kadenang nagkukulong dito.

Ang tanging nais lamang ni Juanito ay makita ni Alyn ang kagandahan ng buhay, malayo sa pinagkulungan ng kanyang isipan sa matagal na panahon, kahit pa maiksi na lang buhay para rito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We tested three famous food delivery apps: Panda, GrabFood and Honestbee - to check which of them is the coolest. What is your experience with ordering food using these apps? -on HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mainit na eksena ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video

Mainit na eksena ng misis at kabit sa kalsada, sapul sa video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel