17 anyos na pinagbabaril sa Tondo, napagkamalan lamang na may droga

17 anyos na pinagbabaril sa Tondo, napagkamalan lamang na may droga

- Napagkamalan lamang daw ang dalagitang pinagbabaril sa Tondo na binagsakan ng droga sa lugar

- Tinawag ng ibang pangalan ng suspek ang biktima kaya marahil napagbintangan lamang ito

- Lubhang naghihinagpis ang ina ng biktima na magdiriwang sana ng kanyang ika-18 kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng inosente di umanong biktima ng pamamaril sa Tondo na bumibili lamang noon ng pagkain.

Ayon sa GMA news, tinawag pala ng suspek ang biktimang si Ronalyn Jamon ng ibang pangalan bago niya ito tinulauyang bariilin.

Sinasabing napagkamalaman lamang si Ronalyn na binabagsakan umano ng droga lugar kaya ito ang pinuntirya ng suspek.

Labis ang paghihinagpis ng ina ni Ronalyn na si Desiree Cordero lalo pa at isang araw bago maganap ang krimen, napag-usapan nilang mag-ina ang binabalak nila para sana sa selebrasyon ng ika-18 kaarawan nito.

PAY ATTENTION: Caught In the Act: 15 Celebrities Who Have Cheated On Their Partners

Sumali pa raw sa paluwagan ang dalagita para sana sa kanyang panghanda.

Kaya naman ganun na lamang ang iyak ng ina na di na maisasakatuparan ang pangarap na selebrasyon ng anak.

Nakunan ng CCTV ang pangyayari. Tinwag pa ng suspek si Ronalyn ng "Juanabie". Nakuha pa raw nitong lumayo ngunit pagbalik nito, tuluyan na niyang pinagbabaril ang kaawa-awang biktima.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Lumalabas sa imbestigasyon na nakuha ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Magdaluyo, MPD-Station 1, may binagsak na droga sa lugar at di pa ito nabayaran.

"Nakikiusap tayo sa kaniya na kung maaari magpakita siya o sumurender siya, makipag-ugnayan sa aming tanggapan para sumailalim siya sa aming protective custody," panawagan ng pulisya sa totoong "Juanabie."

Nahuli naman sa follow-up operation ang sinasabing look-out ng pangyayari na si Alfie Cubelo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Last Fool Show, movie stars Arci Muñoz and JM de Guzman answer tricky questions from HumanMeter.

Arci Muñoz and JM de Guzman About First Heartbreaks | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast

Zia Dantes tries the zipline for the first time and she's having a blast
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel